Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 2)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 2)

0

“Makabuluhan ang First Quarter Storm ng 1970 sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan at sambayanang Pilipino dahil ipinakita ng pagbabalikwas na ito na kaya ng masang tumindig para sa mga pambansa at demokratikong karapatan, magtipon ng lakas at kumilos para labanan ang brutal na rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ng FQS, lumakas ang mga organisasyong masa na may katangiang pambansa-demokratiko hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa. Kumalat ang mga protesta sa mga prubinsya.

Ang FQS ng 1970 ay naging inspirasyon ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa palubhang pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Marcos. Sa panahon ng martial law, laging iniisip ng mga tao na dating kaya ng masa na gumawa ng FQS at kung gayon kayang gawin muli ang ganito para ibagsak ang pasistang diktadura. Ang FQS ang historical antecedent ng Edsa uprising at iba pang pag-aalsa na nagpabagsak sa pasistang diktadura. Ipinakita ng FQS kung paano gumawa ng ahitasyon at propaganda at magtipon ng maraming tao sa pamamagitan ng mga martsa at rali.” – JMS

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

Published on Jan 24, 2015

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

2. Ano po ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan laban sa mapang-api at anti-mamamayang mga patakaran mula kay Marcos hanggang sa kasalukuyan?

JMS: Makabuluhan ang First Quarter Storm ng 1970 sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan at sambayanang Pilipino dahil ipinakita ng pagbabalikwas na ito na kaya ng masang tumindig para sa mga pambansa at demokratikong karapatan, magtipon ng lakas at kumilos para labanan ang brutal na rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ng FQS, lumakas ang mga organisasyong masa na may katangiang pambansa-demokratiko hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa. Kumalat ang mga protesta sa mga prubinsya.

Ang FQS ng 1970 ay naging inspirasyon ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa palubhang pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Marcos. Sa panahon ng martial law, laging iniisip ng mga tao na dating kaya ng masa na gumawa ng FQS at kung gayon kayang gawin muli ang ganito para ibagsak ang pasistang diktadura. Ang FQS ang historical antecedent ng Edsa uprising at iba pang pag-aalsa na nagpabagsak sa pasistang diktadura. Ipinakita ng FQS kung paano gumawa ng ahitasyon at propaganda at magtipon ng maraming tao sa pamamagitan ng mga martsa at rali.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)