ARTICLES & SPEECHES, 2001 - Present

 
 

Home

About the INPS

Focus on JMS

Important Announcements

Activities & Photos, 2001 - Present

Archival Photos

Press Statements & Interviews, 2001 - Present

Brief Messages & Letters, 2001 - Present

Articles & Speeches, 2001 - Present

Articles & Speeches, 1991 - 2000

Poetry

Display of Books

Bibliography 1991 - 2000

Bibliography 1961 - 1990

Documents of Legal Cases

Defend Sison Campaign

Letters to Jose Maria Sison

Feedbacks

Links

 


Balangkas ng Paglalahad

Mga Tunguhin at Hinaharap ng Kilusang Unyon sa Harap ng Hamon ng Global at Nasyonal na Krisis

Extemporaneous na Talumpati sa KMU-NCR-ED
Ni Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag, Partido Komunista ng Pilipinas
Pangkalahatang Konsultant, International League of Peoples’ Struggle (ILPS)

Abril 21, 2004

  1. GLOBAL NA KRISIS

    1. Ugat ng kapitalismo at imperyalismo: Panghuhuthot sa uring manggagawa (teorya ng sobrang halaga). Kompetisyon (paligsahan sa pagkamal ng kapital) tungo sa krisis ng labis ng produksiyon at tungo sa makabagong imperyalismo. Pinakamataas at huling yugto ng capitalism: naghigingalo at pabulosok na kapitalismo.

    2. Limang sangkap ng imperyalismo: monopolyo dominante sa ilang bansang kapitalista, pinagsanib ang kapital ng bangko at industriya, pangingibabaw ng pagluwas ng sobrang kapital sa pagluwas ng sobrang kalakal, mga global na kombinasyon (kartel, sindikato, trust, alyansa, etc.) at ganap na pagsakop sa buong daigdig ng kolonyalismo at imperyalismo bilang mga kolonya, malakolonya at dependiyente at bilang din mga pinagmumulan ng murang hilaw ng sangkap, palengke, larangan ng pamumuhunan at mga lugar ng impluwensiya.

    3. Ang kompetisyon ng mga kapangyarihang imperyalista nauuwi sa krisis ng sobrang produksiyon, agawan ng teritoryo, matinding paghihirap ng uring mangaggawa at sambayanan, repression at gera. Tukuyin ang mga pinagmulan at konsekwensiya ng WWI, WWII at Cold War.

    4. Kinapos ang Keynsianismo at social democracy sa harap stagflation nong dekada ng 70 at bumaling ang mga imperyalista sa neoliberalismo (globalisasyon ng "malayang palengke"). Ibayong pagpapahirap sa uring mangagagawa at mamamayan ng daigdig sa pamamagitan ng pribatisasyon, liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan at deregulasisyon o paglabag at pagbawi sa mga karapatan ng mga manggagawa, kababaihan at pagpinsala sa kalakhan ng lipunan at kapaligiran.

    5. Paglala ng krisis ng imperyalismo magmula pa huling bahagi ng dekadang 70 hanggang ngayon. Sunud-sunod na pagsira sa mga ekonomiya sa ikatlong daigdig, mga rebisyonistang bansa at mga imperyalistang bansa: Sobrang produksiyon sa hilaw na sangkap, mga batayang industrial na produkto (sa produksiyon ang konsumo) at mga hightech goods. Lalong napabilis ang krisis ng sobrang produksiyon dahil sa mas mabilis ng konsentrasyon at sentralisasyon ng produktibo at especulatibong kapital sa mangilan-ngilang sentro ng kapitalismong global.

    6. Lalong naging masiba at mabalasik ang imperyalismo nang bumagsak ang Unyon Sobyet at bloke niya ng mga estadong dominado ng mga rebisyonista at bagong burgesiya. Kinakamkam ng US ang mga pinagmumulan at mga kasalukuyan at potensiyal na ruta ng petrolyo at gas. Kung gayon, nagkaroon ng gera sa Gulf, sa dating Yugoslavia, Afghanistan at Iraq.

    7. Kasunod ng 9/11, ginagamit ito ng rehimeng Bush para magpaandar ng tinawag na "war on terrorism", magbigay daan sa "military Keynsianism" at pagpapalarga sa Project for a New American Century na itinutulak ng mga "neokonserbatibo." Ipaliwanag ang nilalaman ng neokonserbatismo.

    8. Paglala ng pampulitikang krisis ng imperyalismo: hidwaan ng mga imperyalista tungkol sa Iraq at WTO, pagtaguyod ng ilang estado ng pambansang soberaniya at independensiya, sandatahang pakikibaka ng mga bansa at mamamayang inaapi (Iraq, Palestina, Nepal, India, Turkey, Pilipinas, Colombia, etc,), malalawak na aklasan ng mga manggagawa at masang protesta laban sa gera at imperyalismo.

     

     

  2. KRISIS NG PILIPINAS

    1. Krisis sa ekonomiya dahil sa imperyalismo at panloob na kabulukan ng malapiyudal na ekonomiya. Nagsasamantala ang mga imperyalista, malalaking komprador, asendero at mga burukrata kapitalista sa uring uring mangagagawa at sambayanan. Tinamaan ng global na krisis ng produksiyon ang mga produktong panluwas ng Pilipinas. Pati pagpapaluwas ng mga tao ay nangangamba na. Dahil sa liberalisasyon ng kalakalan, ang produksiyon ng pagkain ay pinapatay ng mga angkat na pagkain. Palaki nang palaki and depisit sa kalakalan at badyet at utang panloob at panlabas.

    2. Krisis sa pulitika dahil sa di na mabisa ang mga dating pamamamaraan ng mga naghaharing uri at marahas na ang kontradiksiyon ng mga reaksionaryo, nais ng mga mamamamayan na magbago ang sistema at mayroong pwersang rebolusyonaryo. Napatalsik si Estrada sa labas ng electoral system. Nagkaroon ng bantang kudeta kay GMA. At may mga paghahandang ibagsak siya kung mandaya. Bahagi na rin ng krisis sa pulitika ang pangsangkot sa mga tunggaliang pampulitika ng mga reaksyonaryong paksyon at sa mga sindikatong kriminal.

    3. Laganap na paglabag sa karapatangtao sa kabuhayan, kultura at pulitika. Hanggang ngayon nananatili ang piyudal at malapiyudal na pagsasamantala sa uring magsasaka. Linalabag o binabawi ang mga karapatang natamo ng uring mangaggagawa. Niyuyurakan ang pag-uunyon at iba pang demokratikong karapatan. Palaki ang palaki ang desempleo at pagbaba ng tunay na kita dahil sa implasyon sa mga batayang kalakal at serbisyo (ilaw, tubig at transport) at pagbagsak sa halaga ng piso. Sinasalakay ang mga piket at mga komunidad ng mga maralitamg lunsod. Sinasalakay ang magsasaka, manggagawangbukid at mga katutubo.

    4. Alinsunod sa US "war on terrorism", naglulunsad ang estado ng mga kampanya ng terorismo laban sa uring manggagagawa at sambayanang Pilipino. Pinapapasok ang mga tropang US at hinahayaang maglatag ng imprastruktur para sa pagbalik ng mga US military base. Nanghihimasok ang mga tropang Amerikano hindi lamang sa mga lugar ng Moro kundi sa iba pang dako ng Pilpinas.

    5. Mga legal na kilusang masa ng sambayanan, uring manggagagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, propesyonal, negosyante, taong simbahan at iba pa. Inaatupag nila ang mga multisektoral at sektoral na isyu. Gumagamit sila ng ibat-ibang anyo ng legal na pakikibaka. Dahil sa tumitinding pang-aapi at pagsasamatala, tumitindi ang mga legal na pakikibaka.

    6. Ang digmang bayan sa pamumuno ng uring manggagawa ay lumalaganap at umiigting. Ito ang prinsipal na anyo ng pakikibaka sa bagong demokratikong rebolusyon. Sa pamamagitan ng digmang bayan, maaagaw ng mga anakpawis ang kapangyarihan para gumawa ng panlipunang rebolusyon laban sa imperyalismo at mga nagsasamantalang uri. May 128 guerrilla fronts sa kanayunan at ayon sa pahayag ng PKP patataasin ang antas ng sandatahang pakikibaka.

    7. Sa halalan ng Mayo 2004 posibleng mananalo ang progresibong partido sa party list ng hindi bababa sa 10 upuan sa Kongreso. Makabuluhan ang ganitong pag-unlad sa legal na pakikibaka. Pero hindi puedeng baguhin ang pundamental na kalikasan ng reaksyonaryong estado sa pamamagitan ng halalan at lehislasyon. Nangingibabaw ang mga reaksyonaryo sa eleksyon at sa naghaharing sistema.

    8. Nitong Pebrero at Marso 2004 nagkaroon muli ng dalawang pormal na pag-uusap sa pagitan ng GRP at NDFP sa kanilang negosasyon sa kapayapaan. Hinarap ang problema ng "terrorist" listing US at iba pang gobyerno, pagbubuo at pag-andar ng Joint Monitoring Committee alinsunod sa CARHRIHL, pagpapatuloy ng negosasyon sa social and economic reforms, pagtiyak na makukuha ng mga biktima ng HRV ng kanilang indemnification mula sa dambong ni Marcos at pagpapalaya sa mga political prisoners. ###




return to top

back



what's new