WritingsbibliographyMensahe ng Pasasalamat sa Kalibre 45

Mensahe ng Pasasalamat sa Kalibre 45

-

Ni Ka Jose Maria Sison

 
Mayo 25, 2004

 
Ako ay malugod na bumabati at lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga organisasyon at indibidwal sa naunang pagtatanghal at muling pagtatanghal ng Kalibre 45. Binabati ko rin ang mga panauhing pandangal at mga nanonood sa gabing ito. Ang tagumpay ng Kalibre 45 ay nagpapatunay kung gaano kahalaga ang pangkulturang gawain sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino.

Sa pamamagitan ng inyong mga kanta, tula at sayaw at video film, inyong nabaybay hindi lamang ang aking buhay sa larangan ng ideolohiya, politika at organisasyon kundi ang maningning na kasaysayan ng ating pambansang demokratikong kilusan.

Ang Kalibre 45 ay nagpapatunay na ang pangkulturang pangtatanghal ay dapat hindi lamang magsilbing intermission sa mga kumperensya at forums kundi maaari ring maging siya mismo ang pangunahing laman ng programa at prinsipal na tuon ng pansin sa entablado. Ang pangkulturang gawain ay mahalaga at mapagpasiyang bahagi ng pagmumulat at pagpapakilos sa ating mamamayan. Pinadadali at pinagagaan ng kultural na pagtatanghal ang pagtanggap ng masa sa rebolusyonaryong mensahe kapag ang mga ito’y sumasalamin sa kalagayan at pakikibaka nila. Nagbibigay ito ng inspirasyon upang higit na maging matatag at militante ang ating pagkilos.

Sa katunayan dahil sa tagumpay ng Kalibre 45, magdaraos din ang ating mga kababayan at kaibigan ng mga programang pangkultura sa Hong Kong, Netherlands, Belgium, US at iba pang lugar sa daigdig.. Karapat-dapat na itanghal natin ang mas maraming programang pangkultura. Napakayaman sa kasaysayan ng ating pakikibaka. Napakayaman din ito sa buhay ng ating mga martir at bayani. Ang kanilang mga kasaysayan ay malalim na balon ng mga tema at sangkap ng mga obrang pangkultura na itatanghal.

Sinasalamin ng gawaing pangkultura ang rebolusyonaryong kasaysayan natin at ang kasalukuyang takbo ng pakikibaka para sa pamabansang kalayaan at demokrasya. Maningning na bahagi siya ng pakikibaka at nagbibigay-liwanag sa landas ng pakikibaka.

Muli, maraming salamat sa inyong pagpupunyagi upang maitanghal ang Kalibre 45.###

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you