WHICH SHALL COME AHEAD?
By Jose Maria Sison
Which shall come ahead?
The blazing of forests,
The thawing of icebergs,
The rise of oceans,
The drowning of cities,
The parching of the land,
The whimpering death?
Which shall come ahead?
Sudden fright at the big burst,
Mushrooms in the sky,
Blinding light in a trice,
Before the endless night
Under the seamless fog,
The freezing of the land?
Which shall come ahead?
The endless rule and lure of greed,
The cycles of boom and bust,
The captive flow of blood and sweat,
The ruin of the greenscape,
Or the breaking of chains
To end myths of the endless?
Which shall come ahead?
The rise of the human spirit,
The liberation of the oppressed,
To smite the vile sources
Of greed, wars and plunder
To end the absurd choice
Of disaster to doom all humankind.
Utrecht,
October 16, 2018
ALIN ANG MAUUNA?
Ni Jose Maria Sison
October 16, 2018
Alin ang mauuna?
Ang pagliyab ng mga gubat,
Ang paglusaw ng mga yelong bundok,
Ang pag-ahon ng mga karagatan
Ang paglunod ng mga lungsod,
Ang pagtigang ng kalupaan.
Ang maungol na kamatayan?
Alin ang mauuna?
Biglang takot sa pagsambulat,
Mga kabute sa kalangitan,
Saglit ng makabulag na liwanag,
Bago ang gabing walang hanggan
Sa ilalim ng walang siwang na ulap,
Ang pagyelo ng kalupaan?
Alin ang mauuna?
Laging paghari at tukso ng kasakiman,
Mga siklo ng paglobo at pagsabog,
Ang binihag na daloy ng dugo at pawis,
Ang pagwasak sa luntiang tanawin,
O ang paglagot sa mga tanikala,
Nang wakasan ang mga mitong walang hanggan?
Alin ang mauuna?
Ang pagtayog ng makataong diwa,
Ang paglaya ng mga inaapi,
Upang bigwasan ang mga imbing bukal
Ng kasakiman, digmaan at pandarambong
Nang wakasan ang balighong pagpili
Ng desastreng magtatapos sa sangkatauhan.