WritingsArticles & SpeechesHinggil sa ekonomiyang pampulitika

Hinggil sa ekonomiyang pampulitika

-

HINGGIL SA EKONOMIYANG PAMPULITIKA
Mga panimulang tanong sa Master Class ng Paaralang Jose Maria Sison
Mga sagot ni Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas
December 6, 2020

  1. Sa ilalim ng imperyalismo, umiiral ba ang batas ng kapitalistang akumulasyon sa Pilipinas? Umiiral ba ng m-c-m² o yung kapital bilang nakakpagpapalaki ng sarili (self-expanding value)? Kung hindi, ano kung gayon ang umiiral na sistema sa bansa? Saan ba dinadala ng mga dayuhang kapitalista at burgesya komprador ang labis na halagang nahuhuthot nila sa manggagawa Pilipino?

JMS: Umiiral ang batas ng kapitalistang akumulasyon sa Pilipinas sa ilalim ng imperyalismo. Pinalalaki ang kapital sa paghuthot ng labis na halaga sa produksyon at sa kalakalan. Kumikita ng pinakamalaking tubo ang mga dayuhang monopolyo kapitalista sa pamamagitan ng pag-angkat ng yaring produkto at pagluwas ng mga hilaw na sangkap, pautang at paghuthot ng labis na halaga sa kanilang mga subsidiaryong empresa, minahan at plantasyon.

Kasabwat at kabahagi nila ang malalaking komprador at mga asendero sa labis na halaga na hinuhuthot nila mula sa mga manggagawa. Ilinalabas ng mga dayuhang monopolyo kapitalista mula sa bansa ang pinakamalaking tubo. Sumisegunda ang malaking comprador burgesya sa pagluwas ng tubo sa mga dayuhang bangko. Ganito ang umiiral sa malapyudal na sistema ng ekonomiya sa Pilipinas.

  1. Ang sabi ng mga tagapagdala ng Semi-Capitalist/Backward capitalist ay kapitalismo na daw ang bansa dahil sa pag-eeksport ng capital ay nag-ooperate ito sa katunayan bilang finance capital kung kaya’t sistema kapitalismo na ang umiiral sa Pilipinas.

JMS: Masasabing kapitalista na ang Pilipinas sa pakahulugan na dominante na ang sistema ng produksyong pangkalakal (commodity produksyon) at ang pinakamalaking kapital ay naiipon sa kamay ng malalaking komprador bilang punong ahente ng dayuhang monopolyo kapitalismo sa pinansya at kalakalan. Malalaking asendero din ang malalaking komprador. Ang prinsipal na kasangkapan sa produksyon ay lupa pa rin at karamihan ng anakpawis ay mga magsasaka.

Ang mali sa mga nagsasabing semi-kapitalista o backward capitalist ay ang pakahulugan o pahiwatig na ang Pilipinas ay industryial na at nag-eexport na ng sobrang kapital. Ang iniluluwas na kapital ay mga tubo ng mga dayuhang monopolyo kapitalista at malalaking komprador. Ang ganitong pagluluwas ng tubo ay pagkakait ng industriyal na pag-unlad sa Pilipinas. Gayunman, ang finance capital na pumapasok sa Pilipinas ay sa anyo ng tuwirang pamumuhunan at pautang para manghuthot at hindi para sa industryal na pag-unlad ng Pilipinas.

  1. Ano po ang reaksyon ninyo sa panukala sa kongreso na House Bill No. 309 na iklian sa 35 oras ang lingguhan pagtatrabaho. Sa kalagayan ng Pilipinas na atrasado, hindi ba imbes na may panlipunang benepisyo ito ay mas magagamit ito ng mga kapitalista at burgesya para mas patindihin ang pagsasamantala sa manggagawa? Trend po sa Europa ang panawagan ng shortened working time mula sa 8 hours na mas maikli, ano po ang nakikita ninyong mga batayan ng mga kilusang manggagawa doon sa panawagan nila? Isa sa nasasabi nilang batayan ay ang madalas na introduksyon ng mga matataas na teknolohiyang mga makinarya na nagpapalaki ng relatibong labis na halaga na kinukuha sa mangagagawa.

JMS; Pagpapalubha ng pagsasamantala kung paikliin ang oras ng paggawa para ibaba ang pasahod. Yan ang layunin ng napakareaksyonaryong Kongreso. Pagpapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa kung paikliin ang oras ng paggawa at pataasin pa ang sahod sa antas na mas malaki pa ang buwanang sahod kaysa sa dati. Imposible yan sa kalagayang atrasado at lumulubog ang ekonomiya at napakareaksyonaryo at ganid ang mga kapitalista at mga mambabatas.

  1. Paano kinekwenta ang labis na halaga o tantos ng labis na halaga sa sektor ng serbisyo? Halimbawa sa mga manggagawang salespersons sa SM at sa BPOs (call center)?

JMS: Sa sistemang pasahod sa empresa kung saan yumayari ng kalakal (commodity) or nagibigay serbisyo, walang manggagawa ang makakapagsabi na solo niyang ginagawa ang produkto o serbisyo. Kung gayon, alamin ang total ng bagong halaga na likha ng mga manggagawa at alamin ang napunta sa pasahod (binayarang paggawa) at kinabig na labis na paggawa (di-binayarang paggawa). Ang ratio ng kabuuang kantidad ng labis na halaga sa kabuuang kantidad ng sahod ay tantos ng labis na halaga o tantos ng pagsasamantala.

  1. Paano itinatakda ang presyo?

JMS: Ang presyo ay nakabatay sa halaga ng produktong bunga ng paggawa. Masasabing ito ay halaga ng produkto sa anyo ng pera. Batay sa irregular na daloy ng supply at demand, maaring may fluctuations o pabagu-bago sa presyo pero sa kalaunan at sa pangkalahatan hindi lalayo ang presyo sa halaga ng produkto. Pinatunayan ito sa pananaliksik sa panahon ni Marx at sa mga sumusunod na panahon.

Ang sinasabi ng mga kapitalista ay bunga ng kanilang kapital ang tubo o ang buong labis na halaga. Ang katotahanan naman ay patay na paggawa ang kapital at ang buhay na paggawa ang siyang lumilikha ng buong bagong halaga.

  1. Ipinatupad ng imperyalistang US ang patakaran ng globalisasyong neoliberal kalagitnaan ng dekada 80 – ang pagbawas sa pakikialam ng estado sa ekonomiya, pagbabawas sa gastusin sa serbisyong panlipunan, pagpapanatili ng mababang pasahod sa manggawa, atbpa – para diumano ay lutasin ang krisis at problema ng stagplasyon o ang sabayang pag-iral ng istagnasyon at implasyon. Ngunit pareho pa ring lumalala ang dalawa. Samantala, ang pinatinding pagsasamantala sa uring manggagawa at aping mamamayan, ang nanatiling mababang pasahod at milyong-milyong manggagawang walang trabaho ay bumabansot sa pandaigdigang pamilihan at nagpapalala sa krisis ng sobrang produksyon. Ano po ang kongklusyon niyo dito?

JMS: Hindi totoong binawasan ng uring monopolyo kapitalista ang pakikialam ng estado sa ekonomiya kundi ginagamit ang estado para gumawa ng mga patakaran at batas para sa pagpapataas ng tubo, tax exemption, pribatisasyon ng mga productibong public assets, liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng tunay na pasahod sa manggagawa, pagtanggal ng job security, pagbabawas sa gastusin sa serbisyong panlipunan, deregularisasyon at denasyonalisasyon ng mga mahihinang ekonomiya.

Hindi nalutas ang krisis ng sobrang produksyon at dating problema ng stagflation o ang sabayang pag-iral ng istagnasyon at implasyon. Lalong lumala ang krisis ng sobrang produksyon dahil sa bumilis na malakihang pagbagsak ng empleyo at kita ng mga manggagawa. Lumalaki pa ang deskontentong panlipunan at tugon ng kapitalistang estado ay panunupil.

  1. Saan tutungo ang trade war ng US at China?

JMS: Dating layunin ng US na tiyakin ang paglalim at pagsulong ng kapitalismo sa Tsina at ginawa pa niyang pangunahing partner sa neoliberal na patakaran ng imperyalistang globalisasyon. Sabay nilang pinagsamantalahan ang murang paggawa ng mga Tsinong manggagawa. Nakinabang ang Tsina sa malaking export surplus sa pakikipagkalakalan sa US, sa tuwirang pamumuhunan ng US at iba pang bansa at mabilis na pagsulong sa teknolohiya.

Nalipat sa Tsina ang consumer manufacturing ng US, lumaki ang depisit sa kalakalan, nagwaldas ng malaking pera sa mga gerang walang katapusan sa Sentral at Kanlurang Asya at lumobo ang publikong utang. Ngayon takot at galit na ang US sa Tsina sa pagiging kakumpetensya sa ekonomya at karibal sa heo-pulitika at pag-aarmas. Tutungo ang trade war at iba pang tunggalian ng US at Tsina sa mas matindi pang kontradiksyon ng dalawang pinakamalaking impeyalistang poder dahil sa patuloy na paglubha ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

  1. Maari niyo bang baybayin ang kasysayan, ang inyong kritika at paliwanag hinggil sa pagunlad ng modernong political economy ng kapitalismo mula sa Keynesianismo ng 1940s, Monetarismo ng 80s, at Neoliberalismo sa kasalukuyan, imbes na tunay na solusyon ay bakit mas magpapalala pa ito sa pandigdigang krisis ng kapiltalismo at magpapatindi ng kontradiksyon sa pagitan ng imperyalistang bansa at mamamayan ng daigdig, at sa pagitan mismo ng imperyalistang mga bayan.

JMS: Hindi nakasapat ang Keynesianismo sa paglutas ng krisis ng sobrang produksyon sa Malaking Depresyon sa US. Nagpatuloy ang krisis at tumungo sa Ikalawang Digmaang Mundyal dahil sa pagsulpot ng pasismo sa iba pang bansang imperyalista tulad ng Alemanya, Italya at Hapon. Dahil sa gera at hindi dumanas ng salakay sa sariling kalupaan, nakinabang nang malaki ang produksyon ng US para sa sarili at para sa mga alyado niya.

At lumitaw na No. 1 na imperyalistang poder ang US sa ekonomya at militar. Magmula 1945 hanggang 1975 nagtamasa ang US ng mataas na produksyon at pamantayan ng pamumuhay. Pero nang bumangon muli ang mga ekonomiya ng Europa at Hapon nagkaroon ng malubhang krisis ng sobrang produksyon sa anyo ng tinawag na stagflation.

Akala ng US na malulutas ang problemang stagflation sa pamamagitan ng monetarismo or pagmanipula sa tantos ng interes sa pautang at sa pamamagitan ng mas malawak pang patakaran ng neoliberalismo. Pero hindi nalutas ang stagflation at lalo pang lumubha ang krisis ng sobrang produksyon sa ilalim ng neoliberalismo dahil sa napakabilis na akumulasyon ng kapital sa kamay ng iilan at pagbagsak ng kita ng uring manggagawa at iba pang anakpawis. Pati gitnang uri sa US lumiit o namayat.

  1. Sa panahon ay popular ang mga internet based na apps na nagaalok ng samut saring serbisyo mula sa transport,pagkain, (grab/foodpanda/lalamove), rental ng residential spaces (airbnb) at kung anuano pa. Maging online shopping ay popular na din. Ano ang implikasyon nito sa ating ekonomya?

JMS: Sa ngayong panahon ng pandemya, lumaki ang pangangailangan ng online services dahil sa lockdowns. Subalit kahit na matapos ang pandemya, ang patuloy na pagpapataas ng antas ng teknolohiya sa produksyon at distribusyon hanggang sa paggamit ng robotics ay makakapagpaliit ng empleyo at kita ng uring manggagawa at kung gayon ibayong lalala ang krisis sa sobrang produksyon.

Lumalala nang mabilis ang kontradiksyon sa sosyal na katangian ng mga kagamitan sa produksyon at pribadong pang-angkin ng tubo ng mga monopolyo kapitalista. Tutungo ito sa mas matinding krisis ng sobrang produksyon, mas malaking pagbalikwas ng malawak na masa batay sa linyang anti-imperyalista at demokratiko, pasistang reakyon ng mga monopolyo kapitalista at muling pagbangon ng pandaidigang rebolusyong proletario-sosyalista.###

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you