WritingsMessagesPAKIKIISA SA PAMANTIK-KMU SA MAYO UNO

PAKIKIISA SA PAMANTIK-KMU SA MAYO UNO

-


ni Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag
Partido Komunista ng Pilipinas
Mayo 1, 2014

Taos puso akong nagpapaabot ng militanteng pakikiisa sa Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan – Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa pagdiriwang ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan at iba pang rehiyon sa ika-111 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno.

Pagkakataon ito na ipagbunyi ang mga tagumpay ninyo magmula ng itatag  ang PAMANTIK-KMU noong 1984. Dapat maging malaman, militante at masaya ang inyong selebrasyon. Gunitain ang mga pakikibaka, mga sakripisyo at mga tagumpay sa edukasyon, organisasyon at mobilisasyon kaugnay ng pagtataguyod, pagtatanggol at pagsusulong  sa mga karapatan at kabutihan ng uring manggagawa.

Sumasaludo ako sa PAMANTIK-KMU  bilang pinakamalawak na alyansa ng mga unyon, asosasyon, at pederasyong pang-manggagawa. Kapuri-puri ang mga pagpupunyagi ninyong pukawin, organisahin, at pakilusin ang mga manggagawa para isulong ang pakikibaka para sa makatarungang sahod, kaseguruhan sa trabaho, at karapatang pantao at paggawa. Bigyan natin ng pinakamataas na paggalang at parangal sa ating mga martir at bayani. Makapangyarihang inspirasyon natin sila.

Angkop na sa diwa ng proletaryong internasyonalismo na patampukin ninyo ang mga ambag ng limang  dakilang guro sa pakikibaka ng kilusang paggawa sa bansa at sa buong daigdig.  Sila ang nagbibigay ng liwanag sa  landas ng rebolusyon na pinamumunuan ng uring manggagawa. Dapat ilagay ang lahat ng inyong pagsisikap at pakikibaka sa balangkas ng bagong demokratikong rebolusyon at pandaigidigang proletaryo-sosyalistang revolusyon.  Hindi sapat ang maghabol lamang sa mga ekonomikong benepisyo sa kilusang unyon. Dapat na sa kalaunan makamit ng uring proletaryo ang kapangyarihang pampulitika at isagawa ang rebolusyon nang tuluy-tuluyan.

Kayo ay nakaharap muli sa isang rehimeng labis-labis ang pagiging papet sa imperyalismong US, mapagsamantala, korap, mapanupil at sinungaling.  Muling may kapasyahan kayong ibagsak ang rehimeng ito.  Dapat gunitain at dakilain ang PAMANTIK-KMU na naging panrehiyong sentro ng kilusang paggawa sa Timog Katagalugan sa kasagsagan ng represyon sa panahon ng diktadurang US-Marcos. Malaki muli ang papel na gagampanan ninyo para ihiwalay at gapiin ang kasalukuyang  imbing rehimeng Aquino na kasangkapan ng US at malalaking komprador at asendero.

Umaasa ako at natitiyak ko na mas marami at malaki pang mga  tagumpay ang aanihin ninyo sa mga susunod na pakibaka sa balangkas ng kilusang unyon, sa pambansa demokratikong kilusan at sa pagtangkilik sa pandaigdigang proletaryo-sosyalistang rebolusyon laban sa imperyalismo, rebisyonismo at reaksyon!

Mabuhay ang PAMANTIK-KMU!

Mabuhay ang uring manggagawa!

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you