1. Itaguyod ang pambansang soberanya at teritoryal na integridad
2. Igalang ang karapatang pantao at bigyang-laya ang demokrasya
3. Muling igiit ang soberanyang pang-ekonomiya at pangalagaan ang pambansang patrimonya
4. Ilunsad ang pambansang industriyalisasyon bilang nangungunang salik sa pag-unlad ng ekonomiya at bilang susi sa paglutas sa disempleyo, kahirapan at kawalang kaunlaran
5. Ipatupad ang reporma sa lupa bilang isang usapin ng demokratikong karapatan at hustisyang panlipunan, bilang pundasyon ng kaunlarang pang-ekonomya, at bilang paraan ng pagpapalaya sa mga nagbubungkal na walang lupa, paglikha/pagpapakawala ng kapital, pagpapaunlad sa kanayunan at paglikha ng lokal na pamilihan
6. Itaas ang sahod at pamumuhay ng mga manggagawa, protektahan at itaguyod ang iba’t ibang hanapbuhay, at itaas ang istandard sa pamumuhay ng mamamayan
7. Palawakin ang serbisyong panlipunan, laluna sa edukasyon, kalusugan at pabahay, at paunlarin ang mga pampublikong utilidad
8. Itigil ang pandarambong at lahat ng anyo ng katiwalian at kurapsyon, at parusahan ang mga may sala; wakasan ang sistema ng pork barrel at ilaan ang mga pondo ng gubyerno sa pagpapaunlad ng ekonomya, imprastruktura at pagpapalawak ngg serbisyong panlipunan
9. Bawasan ang badyet militar at ilaan ang impok sa pagpapaunlad ng ekonomya at serbisyong panlipunan
10. Itaguyod ang patriyotiko, demokratiko, siyentipiko at progresibong sistema ng edukasyon at kultura
11. Itaguyod ang pagkakapantay sa kasarian sa lahat ng larangan ng panlipunang aktibidad at bakahin ang diskriminasyong sekswal at pangkasarian
12. Tiyakin ang matalinong paggamit ng mga natural na yaman at pangalagaan ang kalikasan
13. Igalang ang karapatan ng mga pambansang minorya para sa sariling-pagpapasya at kaunlaran
14. Ipagpatuloy ang negosasyon sa kapayapaan sa NDFP at kumpletuhin iyong sa MILF
15. Magpursige sa isang independyenteng patakaran at paunlarin ang pinakamalapit na kooperasyon sa lahat ng kalapit na bayan para sa layunin ng internasyunal na solidaridad, kapayapaan at kaunlaran.