By Prof. Jose Maria Sison
Makata, rebolusyonaryo
Published in Pinoy Weekly
29 March 2010
Si Mao Zedong ang paborito kong makata dahil sa kanyang rebolusyonaryong romantisismo at lirisismo. Mahusay ang paggamit niya ng mga kongkretong imahe, simpleng salita, ritmo at mga makabuluhang alusyon. Pinagsasanib niya ang malawak at malalimang pananaw ng isang rebolusyonaryong proletaryo at ang kagalingan sa sining ng paglikha ng tula.
Ito (nasa ibaba) ang paborito kong tula ni Mao na isinalin ko mula sa saling Ingles ng orihinal sa Mandarin. Tinutuligsa ng unang stanza ang mga kontra sa rebolusyon (mga peste ng kanlurang hangin). Tinutulak ng ikalawang stanza ang maagap na paggampan sa mga tungkuling rebolusyonaryo.
Paborito ko rin si Pablo Neruda. Tulad ni Mao, napagsasama niya ang papel ng makata at rebolusyonaryong lider. Matapat siyang komunista. Subalit hindi niya kasinglawak, kasinglalim at kasing-abante ni Mao sa pananaw tungkol sa sosyalismo. Sa maraming usapin, kasundo ko si Neruda. Ipinagmamalaki ko na magkasama kami sa antolohiya, Voices of Conscience: Poetry from Oppression (Hume Cronyn, Richard McKane and Stephen Watts, eds. Northumberland, England: Iron Press, 1995). Sa mangilan-ngilang usapin, hindi ko siya kasundo. Gayunman, sa tingin ko, Numero Uno siya sa mga makata ng ika-20 siglo sa dami at husay ng mga tulang sinulat niya laban sa kolonyalismo, imperyalismo at pasismo. Napakahusay niya sa paggamit ng mga kongkretong imahe, ironiya, ritmo at mga alusyon. Paborito ko ang kanyang obra maestra, ang epikong Canto General. Magbibigay ako ng maigsing tula niya bilang halimbawa ng kanyang lirisismo. Isinalin ko ito mula sa saling Ingles ng orihinal sa Espanyol.
Parehong may impluwensiya si Mao at Neruda sa aking panunula.
Dalawang salin ni Jose Maria Sison
Reply to Comrade Guo Moruo ni Mao Zedong
On this tiny globe
A few flies dash themselves against the wall,
Humming without cease,
Sometimes shrilling,
Sometimes moaning.
Ants on the locust tree assume a great-nation swagger
And mayflies lightly plot to topple the giant tree.
The west wind scatters leaves over Chang’an,
And the arrows are flying, twanging.
So many deeds cry out to be done,
And always urgently;
The world rolls on,
Time presses.
Ten thousand years are too long,
Seize the day, seize the hour!
The Four Seas are rising, clouds and water raging,
The Five Continents are rocking, wind and thunder roaring.
Our force is irresistible,
Away with all pests!
Tugon kay Kasamang Guo Moruo
Sa munting globong ito
May ilang langaw na ihinahagis ang sarili sa pader,
Walang tigil na humihinghing,
Kung minsa’y humahalinghing,
Kung minsa’y umuungol.
Mga langgam sa puno umaastang malakihang bansa.
Mga kulisap magaang nagkukutsabahang ibagsak ang higanteng puno.
Nagkakalat ng mga dahon sa Changan ang kanlurang hangin,
At mga pana nagliliparan, tumataginting.
Kay raming gawain ang humihiyaw na gawin,
At laging mapagtulak;
Umiinog ang daigdig,
Tumutulak ang panahon.
Labis ang ltagal ng sampung libong taon,
Agawin ang araw, agawin ang oras!
Umaalsa ang Apat na Karagatan,nagngangalit ang mga ulap at tubig,
Yumuyugyog ang Limang Kontinente, dumadagundong ang hangin at lindol.
Di mapipigil ang ating lakas,
Palayasin ang lahat ng peste!
The Dictators ni Pablo Neruda
An odor has remained among the sugarcane:
a mixture of blood and body, a penetrating
petal that brings nausea.
Between the coconut palms the graves are full
of ruined bones, of speechless death-rattles.
The delicate dictator is talking
with top hats, gold braid, and collars.
The tiny palace gleams like a watch
and the rapid laughs with gloves on
cross the corridors at times
and join the dead voices
and the blue mouths freshly buried.
The weeping cannot be seen, like a plant
whose seeds fall endlessly on the earth,
whose large blind leaves grow even without light.
Hatred has grown scale on scale,
blow on blow, in the ghastly water of the swamp,
with a snout full of ooze and silence.
Mga Diktador
Nananatili ang alingasaw sa tubuhan:
ang halo ng dugo at katawan, nanunuot
na talulot na nagdudulot ng nakakasukang pagkahilo
Sa pagitan ng mga niyog puno ang mga libingan
ng mga butong wasak, ng mga walang garalgal na paghandusay.
Kausap ng maselang diktador
ang mga kapitalista, mga heneral at mga pari.
Kumikintab ang munting palasyo tulad ng relo
at mga rapidong halakhak ng mga may guantes
tumatawid kung minsan sa mga pasilyo
at umuugnay sa mga boses ng patay
at mga bughaw na bunganga ng mga bagong libing.
Hindi nakikita ang mga umiiyak, tulad ng halamang
ang mga binhi ay laging nahuhulog sa lupa,
ang malalaking bulag na dahon lumalago kahit walang liwanag.
Lumalawak nang lumalawak ang pagkamuhi
Sa sunud-sunod na hambalos, sa kahila-hilakbot na tubig ng latian,
na may ngusong puno ng putik at katahimikan.