By Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
February 5, 2021
Duterte is helping the armed revolution a lot by aggravating the bankruptcy of his counterrevolutionary government and depleting funds for economic relief and social services through unbridled military overspending.
Just to acquire 15 Black Hawk helicopters, he will spend hundreds of millions of US dollars or around 15 billion pesos. The purchase allows Duterte and his military sidekicks to get bribes. It is the main reason for the profligate spending of public funds.
As proven in the US war of aggression in Vietnam and elsewhere, including the Philippines, attack and supply helicopters are not effective instruments against guerrilla warfare. They are noisy and announce to the guerrillas the coming of the gorillas.
Just 15 helicopters, with their noisy rotor blades vulnerable to guerrilla snipers, are far more expensive than peace negotiations to address the roots of the armed conflict. And despite Duterte’s complaint that peace negotiations are expensive, it is even the Royal Norwegian Government that has actually been spending for these.
The actual interest of Duterte in terminating the peace negotiations is to go for absolute power, fascist dictatorship, for the purpose of absolute corruption. But unwittingly he is bankrupting his own government, abusing and outraging the people and practically driving them to wage revolution.
===============================================
Editors of Ang Bayan
February 5 5:18 AM
https://www.facebook.com/editorsofAB/photos/a.101507808502443/128155042504386/
Lilipad ang korapsyon sa bagong mga helikopter ng AFP
Balita kahapon ang pagmamayabang ni Rodrigo Duterte na bibili ang Pilipinas ng 15 helikopter na Sikorsky S-70i Black Hawk bilang pampalit sa lumang mga Huey helikopter ng militar. Dagdag ang mga ito sa 16 na Black Hawk na binili ng AFP noong 2019. Dumating na sa Pilipinas ang anim noong 2020. Nakatakdang dumating ang natitirang 10 sa unang kwarto ng 2021.
Ginamit ni Duterte na dahilan ang pagbagsak kamakailan ng isang Huey sa Bukidnon para itulak ang pagbili ng bagong mga helikopter. Pero ang totoo, matagal na niyang plano na bumili ng hanggang 55 helikopter para tiyakin ang katapatan ng matataas na upisyal militar. Tulad ng iba pang malalaking aytem sa “modernisasyon” ng AFP, tiyak na pagpepeyestahan ng mga heneral ang malaking pondo ilalaan para rito.
Iniutos ni Duterte ang pagbili kahit pa kulang na kulang ang pondo ng gubyerno para sa kagyat na pangangailangan ng mamamayan tulad ng bakuna at ayuda. Pangako ni Duterte, sisikapin niyang magkaroon ng mga bagong kontrata sa pagbili bago magtapos ang kanyang termino. Mapalitan man siya sa pwesto, mananatiling tapat sa kanya mga heneral na bundat na ng mga kontrata sa pagbili.
Binili ng Pilipinas noong 2019 ang 16 na Sikorsky sa halagang $241.4 milyon (P12.1 bilyon sa palitang $1=P50) o mahigit P756 milyon kada isa. Ang Sikorsky ay isang dibisyon ng Lockheed Martin, isang kumpanyang US. Bumili ang Pilipinas sa US sa kabila ng pagpopostura ni Duterte na “independyente” siya sa US at mas gusto niyang kumontrata ng “mas mura” na mga helikopter sa Russia. Mahigpit na tinutulan ng US ang pagbili ng mga armas mula rito.
Kung pareho pa rin ang presyo, nakatakdang gumastos ang Pilipinas ng P11.3 bilyon para sa dagdag na 15 mga helikopter na Black Hawk.
Ayon sa kalihim ng depensa na si Delfin Lorenzan, gagamitin ang mga Black Hawk bilang pampalit sa mga Huey na pangtransportasyon. Ibig sabihin, panghatid-sundo ito ng matataas na upisyal militar at ng suplay sa nag-ooperasyong mga tropa sa bulubunduking mga lugar.
Noong Enero 29, dumating rin sa bansa ang tatlong helikopter na H125 para diumano sa programang kontra-insurhensya ng Philippine Natonal Police. Nauna nang dumating rito ang apat pang katulad na helikopter. Balak ring bumili ng PNP ng dagdag na 20 helikopter sa susunod na taon.