WritingsArticles & SpeechesHalaga ng mga Sirkulo sa Pag-aaral ng Marxismo

Halaga ng mga Sirkulo sa Pag-aaral ng Marxismo

-

http://www.josemariasison.eu/inps/Halagangmgasirkulo.htm

Mensahe ni Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag,
Partido Komunista ng Pilipinas
5 May 2003

Ipinapaabot ko ang malugod na rebolusyonaryong pagbati sa mga estudyante at iba pang kabataan na nakatipon ngayon para ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ng dakilang guro na si Karl Marx sa Mayo 5.

Angkop na angkop ang symposium ninyo para aralin at talakayin ang Manipestong Komunista at iba pang akda ng tagapagtatag ng pandaigdigang kilusang komunista.

Natutuwa ako sa pagnanais at pagsisikap ninyong ilunsad muli ang mga sirkulo ng pag-aaral sa Marxismo. Malaking karangalan para sa akin ang magpaabot sa inyo ng mensahe para linawin ang halaga ng ganitong mga sirkulo noon at ngayon.

Mahalaga at kinakailangan ang pagbubuo, pagpaparami at pagpapaunlad ng mga sirkulong ito. Dito mahuhubog ang mga kadre sa pamagitan ng pag-araal at pagsapol sa Marxismo-Leninismo. Mapagpasiya ito: kung walang rebolusyonaryong teorya, walang kilusang rebolusyonaryo.

Pinakamahalagang sangkap sa matibay na pundasyon ng kilusang rebolusyonaryo ang pagkakaroon ng mga kadreng komprehensibo at malalim ang kaalaman sa rebolusyonaryong ideolohiya ng uring proletaryo na siyang may pangkasaysayang misyon na itayo ang sosyalismo at gapiin ang imperyalismo para itayo ang komunismo.

Sa mga pambansang demokratikong paaralan, hinuhubog natin ang lahat ng aktibista sa kasalukuyang pangkalahatang linya sa pulitika. Mula sa hanay nila hanguin ang mga masipag sa pag-aaral at pagkilos para pasulungin silang maging kadre. Tulad noon, kinakailangan ngayon ang malawakang pagtatayo ng mga sirkulo sa pag-aaral ng Marxismo.

Naging mapagpasiya ang ganitong mga sirkulo sa loob ng SCAUP at ilang unibersidad sa Maynila gayundin sa mga unyon at mga samahang magsasaka para likhain ang mga komunistang kadre at kasapi na naging ubod ng muling pagbangon at pag-unlad ng kilusang masa sa linya ng pambansang demokratikong rebolusyon.

Tumpak ang balak ninyong magbuo ng mga sirkulong ito at magparami ng mga kadreng may mahigpit na pagtangan sa Marxismo-Leninismo. Isagawa ang balak nang puspusan. Sa gayon, matitiyak ang konsolidasyon sa ubod ng malawakang kilusang masa at mapapatatag ang wastong direksiyon ng rebolusyon. ###

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you