NewsfeaturesJV asks JMS: Hinggil sa pagbagsak ng popularidad ni...

JV asks JMS: Hinggil sa pagbagsak ng popularidad ni Duterte sa mahihirap

-

By J.V. Ayson
Nov 20, 2017

Sang-ayon sa mga huling sarbey ng SWS at Pulse Asia ngayong taong ito (isingawa sa ikatlong kwarto ng taon at inilabas noong Oktubre), nagsimula na ang pagbaba ng trust at satisfaction ratings ni Presidente Rodrigo Duterte, kasabay ng paniniwala ng dumaraming Pilipino na hindi katanggap-tanggap para sa kanila ang mga nagpapatuloy na pamamaslang ng estado sa mga maralita sa ngalan ng drug war.

Ang pinakamalaking antas ng pagbaba ni Duterte sa mga sarbey ng SWS at Pulse Asia ay nagmula sa mga dukha at kapus-palad, samantalang malaki pa rin ang suporta sa kanya ng mayayaman.

Sa esensya, walang nakikitang pagbabago si Communist Party of the Philippines Founding Chairman at National Democratic Front of the Philippines Chief Political Consultant Prof. Jose Maria Sison sa mga polisiya ni Duterte sa mga nakaraang administrasyon. Bukod sa war on drugs na sariling akda at pananda ng administrasyon ni Duterte, nariyan pa rin ang pork barrel, mga neoliberal na patakaran sa ekonomya, pandarambong at panghihimasok ng dayuhan, korapsyon sa pamahalaan, atbp.

Pagbaba ng popularidad sa sarbey

“Sa katotohanan, ang 16 milyong boto na pluralidad na nagpanalo kay Duterte sa 2016 eleksyon ay 39 porsiyento lamang ng botante. Minoridad ito kung ihambing sa 61 porsiyento na hindi bumoto kay Duterte,” paliwanag ni Prof. Sison hinggil sa dumadausdos na antas ng kasiyahan at pagtitiwala ng masang Pilipino sa kasalukuyang presidente.

Aniya, madaling maagnas ang 39 porsyento dahil sa hindi pagtupad ni Duterte sa mga pangako niya.

Dagdag pa rito, totoong padausdos na umano ang bilib o tiwala ng tao kay Duterte at sa rehimen niya sa kanyang war on drugs at pagpaslang sa galibu-libong pinaghinalaan na user at pusher (malapit nang 15,000) at sa lahat ng pangako niya.

Kamakailan ay nasangkot din sa isyu ng drug smuggling ang anak niyang Paolo at bayaw nito na pinararatangang kabilang ng ‘Davao Group.’ Gaya ng inaasahan, wala namang aamin sa ganoong mga paratang, bagkus paulit-ulit na sumusulpot ang pangalan ni Paolo at mga malapit sa kanya sa usapin ng korapsyon sa Bureau of Customs at pagpapalusot ng mga iligal na kontrabando.

Ipinaliwanag naman ni Prof. Sison na mas malaki pa ang dausdos kung mas presiso ang mga tanong ng SWS at Pulse Asia sa mga tinatanungan.

Aniya, “Nahihirapan ang mga nasa rehimen na magpaliwanag sa publiko. Sa gayon, nagresign si [Ernesto] Abella bilang spokesperson ni Duterte.”

Nang hingin ang kanyang panibagong reaksyon hinggil sa kampanya laban sa droga, binanggit ng CPP founding chairman na “parang umatras si Duterte” sa war on drugs.

“Sinabi niya na ang PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] ang magsagawa nito at hindi na PNP [Philippine National Police] na nasa ilalim ng utusan niyang si General Bato. Pero sa katotohanan, patuloy ang pamamaslang sa ngalan ng anti-drugs at anti-crime,” kumento ni Prof. Sison hinggil sa pagpapatuloy ng mga patayan sa bansa.

Habang ang lathalaing ito ay sinusulat, nagpahiwatig si Presidente Duterte noong mga nakaraang araw na ibabalik sa PNP ang pamumuno sa kampanya laban sa droga, matapos ang ASEAN, dahil umano hindi kaya ng PDEA ang ‘pagsugpo’ sa malawak na problema batay sa naging performance nito.

“Matino si DDB [Dangerous Drugs Board] Director [Dionisio] Santiago sa kanyang patakaran na ¨Mahalin ang Buhay, Labanan ang Droga¨ at laluna sa kanyang puna sa rehimeng Duterte na dapat may mga community-based rehabilitation centers imbes na iisang dambuhalang center na may 10,000 kwarto sa Fort Magsaysay. Napahiya at nagalit si Dutere sa sinabi ni Dionisio. Dahil sa galit at suklam, sinipa ni Duterte si Dionisio,” reaksyon ni Prof. Sison sa pagsibak kay Santiago bilang direktor ng DDB.

Walang pagbabago

“Tungkol sa isyu ng korupsyon, hindi siya naghahabol sa mga malaking korap sa mga nakaraang rehimen dahil supporter niya pala sila sa 2016 elections katulad nina GMA, Marcos, Estrada, Enrile at iba pa,” reaksyon ni Prof. Sison hinggil sa kampanya ng rehimen laban sa katiwalian at korupsyon.

Aniya, ligtas din umano si [dating Presidente] Noynoy [Aquino] sa mga kaso hinggil sa pork barrel scam dahil “ganoon din ang patakaran at pamamalakad ni Duterte.”

Lumabas sa mga deliberasyon sa budget noon pang nakaraang taon na nagpapatuloy ang sistema ng pork barrel—mga lumpsum at hindi naka-itemize na pondo na kontrol ng isang pulitiko o opisyal ng gobyerno o ‘di kaya’y mga pondo na idinadaan sa mga mambabatas para umano sa kanilang mga nasasakupan kahit pa mayroon na namang mga ahensya ang ehekutibo para direktang iabot ang tulong sa mamamayan gaya ng scholarship, hospitalization assistance, palibing, atbp.

Idinagdag niya na ang patakarang neoliberal pa rin ang sinusunod ni Duterte pagdating sa mga isyung pang-ekonomiya: pagtatayo ng infrastructure mula sa foreign aid o pautang at batay sa kailangan ng mga malaking negosyo sa bansa, patuloy na dependyente sa foreign loans at foreign investments at tutol sa national industrialization.

“Minura pa niya ang mga kawawang driver at sinabi niyang wala [siyang] pakialam kung patuloy na maghirap sila sa pagbawal ng mga [lumang] jeepney at palitan ang mga small operator ng malalaking kapitalista,” ani Prof. Sison.

“Inilalantad ni Duterte ang sarili bilang isang arogante at sobrang-yamang burukrata kapitalista na walang interes at pakialam sa mga mahihirap tulad ng mga tsuper at small operator at mga naninirahan sa Barangay Sta. Lucia [sa paligid ng Manggahan Floodway sa Lungsod ng Pasig]. Dahil sa paglalantad sa sarili na kontra-mahirap siya, lalong nahihirapan siyang magpatupad ng mga kampanya niyang pumapaslang sa mahihirap tulad ng gera sa droga, gera sa mga rebolusyonaryong NPA [New People’s Army] at gera sa Bangsamoro,” pagsusuri ni Prof. Sison.

Obserbasyon ni Prof. Sison, malaking pinsala ang ginagawa ng rehimeng Duterte sa mga mahihirap at sa mga komunidad pati na sa buong lunsod ng Marawi. Kamakailan ay naglabasan din ang mga ulat at pahayag ng iba’t ibang grupo ng paglulunsad ng humanitarian mission para alamin ang kalagayan ng mga bakwit at mga imbestigasyon para alamin kung sapat o sobra ang ginawang pambobomba sa Marawi.

Mainit na pagtanggap ni Duterte kay Presidente Trump

“Hindi maisasalba [o naisalba] ng pagbisita ni US President Donald Trump [sa bansang ito] ang reputasyon ni Duterte. Lalo pang mapapahamak siya. Handang-handa ang masa na magprotesta laban kay Trump at Duterte,” pagsusuri ni Prof. Sison.

Oo nga naman, naglunsad ng mga aksyong masa ang mga progresibong organisasyon ngayong linggong ito laban sa pagbisita ni Trump.

Nangyari ang unang pagdalaw ni Trump sa Pilipinas para sa ASEAN at East Asia Summit noong Nobyembre 12-14.

“Hindi mabisang magagamit ng US ang isyu ng nuclear weapons ng DPRK [Democratic People’s Republic of Korea] o Hilagang Korea para mangalap ng suporta para sa US war policy dahil sa karapatan ang DPRK sa self-defense at rasonable siyang nag-aalok pa ng peace treaty para palitan ang armistice agreement,” reaksyon niya tungkol sa pagtutulak ng US na i-presyur ng mga bansa sa Asya ang North Korea.

“Hindi makakaasa si Duterte sa dalaw ni Trump para sa pagpapabango sa reputasyong internasyunal ng rehimen niya dahil si Trump mismo ay mabahong-mabaho na sa US at sa buong digdig at sinisita siya ngayon ng US Congress, mga human rights organization at international press kung bakit hindi niya pinagalitan si Duterte sa pagpaslang ng marami sa war on drugs,” kumento ni Prof. Sison sa pagbisita ni Trump.

Samakatuwid, ayon kay Prof. Sison, nagpunta si Trump sa Pilipinas para diktahan si Duterte na sumunod sa mga neokolonyal at neoliberal na patakaran na pumapatay sa mga ordinaryong Pilipino.

Ipinaliwanag muli ni Prof. Sison na ang pagtindig para sa masa ang tanging paraan ng rehimeng Duterte para makabawi ng malaking suporta.

“Nagkatotoo ang ekspektasyon ng marami na sasalubungin siya ng mga protesta. Ayaw ng masang Pilipino ang pananatili ng unequal relations sa pagitan ng US at Pilipinas, ang pandarambong at mapandigmang patakaran ng US,” ani Prof. Sison.

Prop war ni Duterte at tunay na pagbabago

Tinanong ko rin si Prof. Sison hinggil sa mga akusasyon na mga mersenaryo o mga bayaran ang mga bot at troll ni Duterte sa social media.

Obserbasyon niya, sila-sila ang nagbabangayan dahil nag-iinggitan sila sa appointment at sa funding at kurakot.

“Palatandaan ng disintegrasyon ng rehimen ang bangayan ng mga propagandista nito sa social media.”

Hiningi ko rin ang kanyang reaksyon hinggil sa pagbuo ng Alyansang Tapang at Malasakit noong nakaraang buwan. Itinuring niya iyon bilang isang “makitid at reaksyonaryong pangkatin.”

“Sa patuloy na pagbulok at pagbaho ng rehimeng Duterte, walang laban ito sa malawak na nagkakaisang prente na kinabibilangan ng mga oposisyonistang partido at grupo, simbahan, mga matinong empleyado at sundalo ng gobyerno at mga makabayan at progresibong pwersa tulad ng BAYAN at iba pa.”

Ipinaliwanag niya muli na “natataranta na ang rehimeng Duterte magmula pa noong malaking mobilisasyon noong September 21 na umabot sa halos 50,000 sa Kamaynilaan.”

Aniya, “mabuti pa kung magpakatino si Duterte at gamitin niya ang peace negotiations para magkaroon ng reporma sa lipunan, ekonomya, pulitika at konstitusyon at magkaroon ng makatarungan at matibay na kapayapaan para sa pambansang pagkakaisa at kaunlaran.”

“Totoong lalo pang babagsak ang katayuan ni Presidente Duterte kung hindi siya makikinig at sasandig sa mga mahihirap at inaapi. Mainam kung ilapit niya muli ang [kanyang] sarili sa masang inaapi at pinagsasamantalahan at makipagkasundo sa NDFP sa peace negotiations tungkol sa mga repormang dapat gawin.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you