WritingsinterviewsJV asks JMS: pagsusuri sa unang taon ni Duterte

JV asks JMS: pagsusuri sa unang taon ni Duterte

-

J.V Ayson

http://www.manilatoday.net/jv-asks-jms-pagsusuri-sa-unang-taon-ni-duterte/

Habang ang akdang ito ay kinakatha, lumalabas na ang iba’t ibang pagsusuri at komentaryo ng mga batikang eksperto habang papalapit ang unang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa estado poder.

Sa umpisa ng panunungkulan ni Duterte, binabanggit nila na nakalalakad na nang matiwasay ang mga tao sa mga lansangan sa gabi sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil umano ng pagbaba ng antas ng kriminalidad sa bansa, dahil sa madugong drug war ng kanyang gobyerno. Hindi pa kasama sa mga pagsusuri ang mga ambisyosong proyektong imprastraktura sa tabing ng islogang ‘Build, Build, Build’ sa ilalim ng mantrang ‘Ginintuang Panahon ng Imprastrakturang Pilipino.’

Hinimay ng founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) at chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Prof. Jose Maria Sison ang unang taon ng gobyernong Duterte batay sa mga pangunahing pangako nito.

Unang pangako: Tunay na pagbabago

Binanggit ni Sison na “walang pundamental na pagbabago sa malakolonyal at malapyudal na katangian ng naghaharing sistema” sa ilalim ng gobyernong Duterte na nagbabandila pa naman ng pangako ng pagdating ng tunay na pagbabago.

Ayon pa sa kanya, “patuloy ang dominasyon ng imperyalismong US at lokal na mga naghaharing malalaking komprador, asendero at burukrata kapitalista. “

“Wala pang patunay sa sinabi niyang siya ay Leftist president at sosyalista,” sabi ni Sison.

Ayon sa kanya, “karamihan sa mga myembro ng Gabinete ay kinatawan ng dayuhang monopolyo, mga malaking komprador at asendero.”

“Tagapagtaguyod sila ng neoliberal economic policy at gayundin ng security policy ng Estados Unidos. Salungat ang mga ito sa pambansang soberanya, sa mga repormang kinakailangan ng bayan at sa pagkakaroon ng tunay na independyenteng patakarang panlabas,” paliwanag niya.

Obserbasyon din ng CPP founding chairman na marami sa gabinete ang maka-US na dating heneral mula sa armed forces.

Ikalawang pangako: Paglutas sa problema sa kriminalidad at droga

Ipinahayag niya na nakaririmarim ang maramihang pagpaslang sa mga mahihirap na suspetsadong drug addict at drug pusher.

Ang estimate sa extrajudicial killing kaugnay ng drug war ay 7,000 hanggang 12,000.

Pero, pansin ni Prof. Sison, wala namang itinutumbang malaking drug lord sa antas ng mga gobernador at heneral at ni Peter Lim na kompadre ni Duterte.

Ayon pa sa kanya, “ginagamit ang anti-drugs campaign para palitawin na mabuti ang paggamit ng mga pasistang pamamaraan, para bigyan daan ang paggamit ng terorismo ng estado sa pagsupil sa legal na oposisyon at kilusang rebolusyonaryo at para pagtakpan ang matinding mga isyu ng karalitaan, kagutuman, kawalan ng disenteng hanapbuhay, at kawalang-katarungan.”

Ikatlong Pangako: Reporma sa lupa para lutasin ang digmaang sibil sa kanayunan

“Sa pagkansela ni Duterte sa fifth round ng formal talks, gusto niyang ipauna sa lahat ang protracted and indefinite ceasefire. Hindi siya interesado sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER),” pagbabatid ngayon ni Sison hinggil sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng NDFP.

Kumento niya, “ingay lang sa press noong third at fourth round iyong libreng pamumudmod ng lupa sa isang milyong magsasaska na walang lupa. At tokenismo o tingian lamang ang mga pamumudmod ng lupa sa mangilanilang asyenda batay sa mga dati nang desisyon ng mga korte tulad ng Lapanday at Hacienda Luista.”

Sa kasalukuyan, pagbabatid niya, usad-pagong na ang usapang pangkapayapaan dahil sa iba’t ibang isyu gaya ng isyu hinggil sa pagiging makupad ng gobyerno sa pagbubuo ng CASER, sa mga bilanggong pulitikal, sa revolutionary tax, sa militarisasyon at pagpatay sa mga aktibista lalong-lalo na sa mga magsasaka, sa pagtutulak na isulong ang Oplan Kapayapaan counter-insurgency program, at sa isang bilateral ceasefire agreement na naglalayong isantabi ang paglulutas sa mga ugat-dahilan ng halos 50 taong armadong tunggalian sa bansang Pilipino.

“Nagpipilit [si Presidente Duterte] na una sa lahat makuha niya ang pagsurender at pasipikasyon ng mga pwersang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng matagalan na bilateral na ceasefire.”

Kapag nakuha na ito, aniya, lalong babarahin na ang negosasyon at pagkakasundo sa mga repormang sosyal, ekonomiko, pulitikal at konstitusyunal na kailangan para lutasin ang mga problemang siyang dahilan ng gera sibil.

Hindi rin tinupad ni Pres. Duterte ang pangakong palalayain ang lahat ng political prisoner sa pamamagitan ng general amnesty. Hindi man lang din nagkaroon ng pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal alinsunod sa napirmahang kasunduang CARHRIHL, liban sa 16 consultant ng NDFP na alinsunod lang din sa kasunduang JASIG.

Ikaapat na pangako: Pagtatanggol sa mga mahihirap at inaapi

”Ipinangako ni Duterte ang pag-aalis sa kontraktwalisasyon, pagbibigay ng abot-kayang pabahay para sa mga maralita, pagpapatigil sa importasyon ng bigas tuwing anihan ng palay, pagtatakwil sa patakarang labor export at pagwawakas sa pamamayani ng mga malalaking oligarko sa bansang Pilipino. Pero tinalikuran niya ang lahat na ito,” ayon kay Prof. Sison.

Sabi niya “neoliberal ang nilalaman ng kanyang 10-puntong programang sosyo-ekonomiko. Walang ikinaiba sa patakaran ng mga nakaraang administrasyon na nagpahirap sa bayan.”

Ipinaliwanag naman niya na may peligro na ang charter change na gusto ni Duterte sa ngalan ng pederalismo ay ibayong magpapakawala ng terorismo ng estado at pagbasura sa pambansang soberanya at patrimonya ng ating bayan.

Ikalimang pangako: Independyenteng patakarang panlabas

“Lumilitaw na ngayon na ang ipinangako ni Duterte na independyenteng patakarang panlabas ay pagpapalawak lamang ng pagkukunan ng utang at armas (Tsina at Rusya) at hindi pag-alis ng dominasyon ng US sa Pilipinas,” puna niya sa pagtatamlay ng retorika hinggil sa independyenteng patakarang panlabas sa pag-aakalang mauunahan ng presidente ang posibilidad ng isang kudeta.

Sa kanyang madaling salita, “patuloy ang neokolonyal na pagkontrol ng US sa Pilipinas. “

Sa tunay na pagsasakatuparan ng isang independyenteng patakarang panlabas, pagbibigay-diin niya, dapat alisin ang lahat ng pamamaraan ng US na kontrolin ang ekonomiya, pulitika, kultura at militar ng Pilipinas.

Ikaanim na pangako: Paglutas sa mga ugat-dahilan ng ‘rebelyong Moro’

“Lantarang sinabi na ni Duterte na hindi ma kukuha ng MILF ang kalakhan ng hinihiling. Lalo pang hindi niya makakabig ang MNLF sa isang compromise tungkol sa BBL,” pagsusuri ni Sison sa sa BBL (Bangsamoro Basic Law, maiksing katawagan sa BLBA o Basic Law on the Bangsamoro Administrative Region).

“Nagpalipad pa ng salita si Duterte na malamang na sinulsulan at tinustusan ng MILF at MNLF ang Maute at Abu Sayyaf sa pagpasok nila sa Marawi,“ pag-alaala niya.

Anuman ang katotohanan sa usaping ito, aniya, malayong malaki ang pinsala sa buhay, hanapbuhay at ari-arian na ginawa ni Duterte at AFP sa pambobobomba at artillery fire sa Marawi.

Dagdag-punto niya, “pinalawak pa ni Duterte ang pananakot at paglabag sa mga karapatang pantao sa pagproklama ng martial law sa buong Mindanao.”

Tuloy-tuloy ang balita ng militarisasyon sa kanayunan, lalo sa mga komunidad na pinaghihinalaan ng armed forces na naaabot ng rebolusyunaryong kilusan. Isang kaso noong nakaraang linggo ang pagtutok ng baril sa guro ng mga batang Lumad at pananakot sa buong paaralan.

“Hindi solusyon ang batas-militar sa mga historical at structural injustices sa Mindanao at sa buong bansang Pilipinas,” wika niya.

Change Is coming?

Muling iginiit ni Sison na hindi makakatulong sa paglutas ng mga pangunahing problema ng bansang Pilipino ang pagsandig sa panunupil at pandaharas ng estado, lalong-lalo na iyong pagpapataw ng batas-militar, gaya ng unti-unting ipinapakita umano ngayon ng gobyernong Duterte.

Sa kanyang pagsusuri, matindi at malala ang krisis panlipunan sa Pilipinas para sa masang Pilipino at sa gobyernong Duterte sa susunod na limang taon.

Huwag na raw magtaka kung sa ikalawang bahagi ng 2017 at unang kalahati ng 2018 puputok ang isang matinding krisis pampulitika dagdag sa krisis ng naghaharing sistema at/o pandaigdigang sistemang kapitalista.

Sa tindi ng polarisasyong pampulitika sa lipunang Pilipino, paliwanag niya, pwedeng si Duterte mismo o mga maka-US na heneral niya ang magpakana ng kudeta.

Payo niya, kailangang maging mapagmatyag at maagap ang masang Pilipino.

“Dapat maglunsad sila ng mga protestang masa at paigtingin ng digmang bayan laban sa batas militar at pasismo.”

Sabi ni Prof. Sison wala siyang nakikitang pagbabago na ginawa ng rehimeng Duterte para matigil ang paghahangad at pakikibaka ng masang Pilipino para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya.

“Pwede siyang ibagsak ng masang Pilipino at ng isang malawak na nagkakaisang hanay, tulad ng ikinabagsak ni Marcos o Estrada. O pwede siyang magpakatino at makipagkaisa sa mga rebolusyonaryong pwersa sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan para gumawa ng mga reporma na magbubunga ng pambansa at panlipunang kalayaan at ng makatarungan at matibay na kapayapaan,” pagwawakas ni Prof. Sison.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you