Home Writings Messages MENSAHE NG PAKIKIISA SA RADYO PAKIKIBAKA AT LAHAT NG TAGAPAKINIG

MENSAHE NG PAKIKIISA SA RADYO PAKIKIBAKA AT LAHAT NG TAGAPAKINIG

0

ni Kasamang Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag
Partido Komunista ng Pilipinas

JMSinCScamp2Maalab na  rebolusyonaryong pagbati sa Radyo Pakikibaka at lahat ng mga tagapakinig nito. Ako’y si Kasamang Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Nais kong ipaabot ang pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa ika-45 taong anibersaryo nito.

Malaking karangalan ko na sa ngalan ng Komite Sentral at Komisyong Militar ng Partido, pinamunuan ko  ang pulong  ng pagtatatag ng Bagong Hukbong Bayan noong Marso 29, 1969.  Mula noon,  naging matibay, masigla at matalas na sandata  ng demokratikong rebolusyong bayan ang hukbong ito.

Sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, malalim itong nakaugat sa masang anakpawis at nakapagpalawak sa Hilagang-Kanlurang Luzon, Hilagang-Silangang Luzon, Gitnang Luzon, Bikol, sa Visayas, Mindanao at gayundin sa rehiyong Timog Katagalugan. Tunay na kahanga-hanga kung paano ito naabot ng rebolusyonaryong kilusan sa nakalipas na mahigit na apat na dekada.

Mula sa animnapung Pulang mandirigmang nasasandatahan ng siyam na ripleng awtomatiko at dalawampu’t anim na iba pang mahihinang kalibreng baril, ngayon ay libu-libo nang nakakalat ang Bagong Hukbong Bayan sa buong kapuluan. Mula sa mga panimulang pagpupundar sa ikalawang distrito ng Tarlac, ngayon ay nakalatag na ang higit sa isang daang mga larangang gerilya sa pitumpu’t isang probinsya sa bansa.

Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan, sabay-sabay nating sariwain at balikan ang apatnapu’t limang taon ng kagitingan at katatagan ng Pulang hukbo sa pagpupunyaging isulong ang digmang bayan.  Natitiyak kong maisusulong ang digmang bayan sa estratehikong patas sa ilang taon.

Muli, binabati ko ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa Timog Katagalugan at sa buong bansa.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.