WritingsMessagesMENSAHE SA PAGPAPALABAS NG PELIKULA, THE GUERRILLA...

MENSAHE SA PAGPAPALABAS NG PELIKULA, THE GUERRILLA IS A POET, SA UP FILM CENTER

-

Ni  Prof. Jose Maria Sison
Alumnus at Guro ng UP
Ika-21 ng Nobyembre, 2013

Mahal na mga  guro, estudyante at kaibigan

Malugod akong nagpapasalamat  sa inyong pagdalo, sa  UP Cineastes’ Studio  sa pagdadala ng lahat ng pelikula ng CineFilipino at  sa STAND UP bilang  punong abala sa pagpapalabas ng The Guerrilla Is a Poet dito sa UP Film Center.

Umaaasa akong magugustuhan ninyo ang nilalaman at ang masining na paggawa ng pelikula.  Nakatuon ang nilalaman sa buhay ko noong mga taon mula 1968 hanggang 1977, mula sa pagpupundar ng Partido Komunista ng Pilipinas hanggang ako ay mahuli, mapadebate kay Marcos at matortyur. Ipinakikita ang paglakas ng kilusang rebolusyonaryo hanggang ngayon. Patunay na mahusay ang pagkakagawa ng pelikula ang mga gawad na tinanggap at mga papuri mula sa mga manunulat sa masmidya.

Maituturing  ang pelikula na bahagi ng ika-150 anibersaryo ng pagsilang ng dakilang Andres Bonifacio at  pagbubunyi ng Rebolusyong Pilipino na inumpisahan niya at ipinagpapatuloy ng sambayanang Pilipino at ng Partido Komunista ng Pilipinas.  Galak din akong makaalam na magkakakaroon ng  ng paligsahan  ng mga maigsing pelikula na pinamagatang Cinema Supremo.

Panahon ito ng pagbubunyi sa rebolusyonaryong tradisyon ng sambayanang Pilipino, sa mga saligang prinsipyo at mga tagumpay na nakamit  sa pakikikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Nakaalay sa gunita ni Andres Bonifacio ang serye  ng limang libro ko sa pangkalahatang pamagat ng Pagpapatuloy sa Rebolusyon at ang ika-49 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan.

Sumulong na tayo mula sa lumang demokratikong rebolusyon tungo sa bagong demokratikong rebolusyon sa epoka ng makabagong imperyalismo at proletaryong rebolusyon.  Lumalaban pa rin  tayo  sa  nagpapatuloy  na mga salot sa bayan tulad ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo upang  ganap na makamit pambansang kalayaan at demokrasya.

Mapagpasya ang papel ng kabataan sa pakikibaka.  Binibiktima kayo ng mga malakolonyal at malapyudal na kondisyon.  Walang habas ang mga nasa kapangyarihan sa pangungurakot at pagpapataas ng gastos-militar at debt service samantalang patuloy din sa pagbabawas  sa badyet para sa edukayon, kalusugan at iba pang serbisyo sosyal.  Dapat matatag at magiting tayong kumilos para sa mga karapatan at interes ng kabataan gayundin ng sambayanang Pilipino.

Sabi ng dakilang Mao, “Sa inyo ang daigdig, gayundin sa amin, subalit sa huling pagsusuri, sa inyo ito. Kayong  kabataan, puno ng lakas at sigla, ay nasa yabong ng buhay, tulad ng araw sa alas otso o alas nueve ng umaga. Ang pag-asa namin ay nasa inyo. Sa inyo ang daigdig.”

Ipagpatuloy ang rebolusyong Pilipino! Maghimagsik! Mabuhay kayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you