WritingsMessagesMENSAHE NG PAKIKIISA SA DESAPARECIDOS

MENSAHE NG PAKIKIISA SA DESAPARECIDOS

-

On the 3rd General Assembly of Desaparecidos on November 2-3, 2012
Ni Prop. Jose Maria SisonTagapangulo
International League of Peoples´ Struggle
2 Nobyembre 2012

Ang International League of Peoples´ Struggle ay taos-pusong bumabati at nakikiisa sa Desaparecidos sa okasyon ng Ikatlong Pangkahalatang Asambleya nito.

Sa aming pananaw, napakahalaga ang pagtutuon ninyo ng pansin sa mga biktima ng pagdukot at pagpapalaho upang ilantad ang mga pangyayari at mga may-pananagutan, pagkaisahin ang mga pamilya at kaibigan ng mga biktima at sambayanan at pagsikapang kamtin ang katarungan.

Sa bahagi ng aking pamilya, mahalaga ang inyong gawain. Laging naala-ala namin ang magkasunod na pagdukot ng militar noong unang hati ng 1971 kay Carlos B. del Rosario, na bayaw ng misis ko at opisyal ng Kabataang Makabayan, at kay Francisco C. Sison, na aking kapatid.

Sila ang mga unang biktima ng pagdukot at pagkawala sa Maynila kaugnay ng mga kilos ni Marcos sa pagsupil sa pambansa demokratikong kilusan. Dinukot sila ng kaaway dahil sa akala nitong masasabi nila ang kinaroroonan naming mag-asawa na nasa underground na. Sa kalaunan, libu-libong tao ang dinukot at pinaglaho ng pasistang diktadura ni Marcos. Dahil sa trabaho ng SELDA, ilang libo ang naihapag at napatunayan sa kasong human rights laban kay Marcos sa hukuman ng US.l.

Mahirap ang dokumentasyon at pagtitipon ng ebidensya tungkol sa mga biktima ng pagdukot hindi lamang dahil sa limitasyon sa tauhan at pondo ng mga organisasyong karapatang tao. Ang pinakamalaking hadlang ay ang pananakot at pagtatakip na ginagawa ng militar hanggang sa antas ng reaksyonaryong presidente at kanyang human rights commission. Pinakamasahol ang pagtortyur, pagpaslang at pagtago, pagpirapiraso o pagsunog ng katawan ng mga biktima.

Natutuwa kaming kahit mahirap at mapanganib ang inyong gawain magiting, matiyaga at masigasig kayo sa pagganap ng mga tungkulin at lumakas ang inyong organisasyon magmula noong 2006 nang rumagasa ang paglabag sa mga karapatang tao sa ilalim ng Oplan Bantay Laya at nagtipon kayo upang ilantad at labanan ang kasagsagan ng pagdukot at pagpapalaho ng mga aktibista at iba pang mamamayan.

Sa Pangkalahatang Asambleya ninyo noong 2008, linagom ninyo ang inyong karanasan at nakita ninyo ang dating saklaw at ang relatibong paghupa ng pagdukot dahil sa inyong mga pagsisikap at sa umalingangaw na protesta sa loob at labas ng bansa, laluna sa hanay ng mga tagapagtanggol ng mga karapatang tao. Ibayong naging matatag, masigasig at mabunga ang inyong pagkilos.

Naging mabisa ang paglalantad ninyo ng mga kaso ng pagdukot sa UN Working Group on Enforced and Involuntary Disappearances (UNWGEID). Tinanggap nito ang mga reklamo at tinawag nito ang pansin ng reaksyonaryong gobyerno ng Pilipinas. Subalit hanggang ngayon, walang matinong sagot ang naturang gobyerno. Patuloy ito sa pagwawalang-hiya, magmula sa rehimeng Arroyo hanggang sa rehimeng Aquino.

Ngayong Ikatlong Pangkalahatang Asambleya, kaharap ninyo ang katotohanan na walang pagkakaiba ang Oplan Bayanihan ni Aquino sa Oplan Bantay Laya ni Arroyo. Kinukunsinte ni Aquino ang mga paglabag sa karapatang tao sa panahon ni Arroyo. At habang nagtatagal ang rehimen ni Aquino dumarami ang mga paglabag sa anyo ng pagdukot, tortyur at pagpaslang sa mga aktibista at pinaghihinalaang rebolusyonaryo.

Magmula sa panahon ni Cory Aquino hanggang kay Noynoy patuloy ang kawalang parusa sa mga paglabag ng mga karapatang tao, kabilang ang pagdukot, pagtortyur at pagpapalaho sa mga tao. Kahit sinasabing napanumbalik ang demokrasya sa pagbagsak ni Marcos, patuloy ang mga oplan, mga kampanyang panunupil sa mga mamamayan, laluna sa mga anakpawis at tagapagtaguyod nila. Walang pagkakaiba sa pasistang diktadura ang kalagayan ngayon kundi ang kawalan lamangng pormal na deklarasyon ng batas militar.

Marahas at mapagkunwari ang sinumang presidente na sunud-sunuran sa imperyalismong US at kumakatawan sa mga mapagsamantalang uri ng malalaking komprador at asendero. Hindi nakapagtataka na magkatulad ang rehimeng Aquino at mga naunang rehimen sa mga patakaran at kilos na anti-nasyonal at anti-demokratiko at malupit sa makabayan at progresibong pwersa ng bayan.

Pakitang-tao lamang ang warrant of arrest para sa berdugong General Palparan na may pananagutan sa pagdukot at pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño. Malamang na itinatago siya ng mga kapwa niyang militar. Lantarang pinagtatakpan din ng militar ang pagdukot at pagkawala ni Jonas Burgos. Hanggang ngayon, wala pang opisyal ng militar ang naparasuhan dahil sa pagdukot at pagpatay sa sinumang suspetsa at tinaguriang kaaway ng estado.

Napakalupit ang ginawa ni Noynoy Aquino sa pamilyang Burgos at sa sangkatauhan. Ginawang heneral ang isang koronel na sangkot sa pagdukot kay Jonas. Sinabi pa niya sa isang panayam sa New Zealand na propaganda lamang ng “extreme left” ang mga paglabag sa karapatang tao. Linapastangan ni Aquino ang mga biktima, mga pamilya nila at lahat ng tagapagtanggol ng mga karapatang tao. Para maging presidente kinapital niya lamang ang pagpaslang sa ama niya at maligaya na siyang kasalo at kasapakat ng mga Marcos, Enrile at Danding Cojuangco sa kapangyarihan at pagpapayaman.

Sinasabing may mga batas nang makakasugpo sa paglabag sa mga karapatang tao. Ang pinakahuling tinutukoy na akto ng kongreso ay ang laban sa enforced o involuntary disappearance . Kahit pa pirmahan ito ni Aquino para maging batas, walang katiyakang ito ay magiging mabisa para maparusahan ang mga salarin. Kung walang nahuhuling mga salarin kahit sa mga lantarang pamamaslang na ginagawa ng militar, lalong hindi magiging mas madali ang paghuli at pagpaparusa sa mga salarin sa mga kaso ng pagdukot.

Nasa matinding krisis ngayon ang global na kapitalismo at ang lokal na naghaharing sistema ng mga malaking komprador at asendero na kinakatawan ni Aquino laban sa sambayanang Pilipino.. Naghihirap ang masa sa kawalan o kasalatan ng trabaho, di sapat na kita at mabilis na pagtaas ng gastos sa pagkain, upa, tubig, kuryente, pasahe, pagpapagamot at pagpapaaral. Sa gayon, lumilitaw ang mga protesta ng masa at pinanawagan nila ang pagbabago.

Subalit karahasan, panlilinlang at paglabag sa mga karaparatang tao ang tugon ng mga nasa kapangyarihan. Sila mismo ang nagpapalagablab sa diwa at kapasyahan ng masang pinagsasamantalahan at inaapi para maglunsad ng iba’t ibang anyo ng pakikibaka. Kahit sumang-ayon na ang mga pwersang rebolusyonaryo sa negosasyong pangkapayapaan, nilalabag ng rehimeng Aquino ang mga kasunduan at hinahadlangan ang seryosong pag-uusap at pagkakasundo sa mga reporma na dapat isagawa para magkaroon ng makatarungang kapayapaan.

Linalabag ng rehimeng Aquino ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Hinaharang nito ang seryosong pag-imbestiga sa mga kaso ng lantarang pagpaslang sa NDFP consultant na si Sotero Llamas at pagdukot sa mga NDFP consultant na sina Leo Velasco, Prudencio Calubid, Rogelio Calubad at iba pa. Labag din sa JASIG ang pagmanman, pagdakip at pagkulong sa mga NDFP consultant.

Linalabag ng rehimen ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law at ang Hernandez political offense doctrine. Ayaw palayain ng rehimeng Aquino ang mga idinadawit sa NPA pero pinaparatangan naman sila ng mga karaniwang krimen. Patuloy ang pagkulong ng halos 400 bilanggong pulitikal batay sa mga gawa-gawang kaso ng karaniwang krimen.

Maliwanag ang balak ng rehimeng Aquino na supilin at utasin ang mga makabayan at progresibong pwersa ng sambayanang Pilipino. Tumutupad siya sa utos ng US at mga pinakamalaki at pinakamasahol na malalaking komprador at asendero tulad ng kanyang angkan. Dapat tayong ibayong magmatyag at maging militante sa pakikibaka para sa pambansang kasarinlan, demokrasya, pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa, hustisya sosyal at matatag na kapayapaan.

Patatagin ang pagkakaisa ng pinakamaraming bilang ng pamilya ng mga desaparacidos!

Makibaka para sa katarungan! Labanan ang bagong mukha ng karahasan at panunupil ng rehimeng US-Aquino!

Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you