Home Writings Messages OPENING STATEMENT<br> On the Discussion of Semifeudalism in the Philippines

OPENING STATEMENT
On the Discussion of Semifeudalism in the Philippines

0
OPENING STATEMENT<br> On the Discussion of Semifeudalism in the Philippines

OPENING STATEMENT
On the Discussion of Semifeudalism in the Philippines
By Prof. Jose Maria Sison
Chairperson Emeritus, International League of Peoples’ Struggle
December 12, 2020

Dear Fellow Activists,

I thank the officers and members of Kabataan Para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) for inviting me to speak on semifeudalism in the Philippines. I salute you as an organization of indigenous youth and student advocates from different schools and universities, dedicated to uphold the indigenous peoples’ rights.

I appreciate highly that KATRIBU has done a great deal of work to deepen the awareness and understanding of the youth on the issues, plight, and struggles of the indigenous peoples , to organize and mobilize the youth to advocate IP rights and undertake solidarity actions for the struggles of the indigenous peoples and to generate financial, material, technical, and volunteer support for IP communities.

I make this opening statement to underscore the relevance and impact of semifeudalism on the indigenous peoples, to acknowledge the fact that fertile land and other rich natural resources are in their ancestral domain and have been coveted and ravaged by the semifeudal gang of foreign corporations, big compradors, landlords and bureaucrats and to point to the important role of the indigenous peoples in asserting their right of self-determination, the right to their ancestral domain and all other democratic rights.

The entire Filipino nation owes a great debt of gratitude to the indigenous peoples for their integrity and heroic struggle against the colonial and feudal system imposed by Spain and then against the semi-feudal system under the colonial and then semi-colonial domination by US imperialism. The indigenous peoples have also cooperated with the resistance of the people who are on the seacoast and along the big rivers and who have been more exposed to foreign aggression and domination.

The indigenous peoples resisted effectively the attempts of the Spanish colonialists to grab their land and gold mines in more than three centuries. Thus, they have preserved their integrity, identity, customs and other cultural traits. But in the semifeudal system the US imperialists have used their military prowess and the Philippine reactionary state to make relatively more successful incursions in the ancestral domain of the indigenous peoples and grab the land and other natural resources from them.

In the current semicolonial and semi-feudal ruling system, the US and its imperialist allies and the local exploiting classes of big compradors and landlords have made the Philippines a cheap source of raw materials for export. In this connection, they keep on expanding their mining, logging and plantation operations and building dams to generate power and irrigate the plantations. They do so by aggressing against the indigenous people and grabbing their land and other natural resources.

The social structure of the indigenous peoples have been affected by the dominant semifeudal mode of production and superstructure. Amidst mass poverty, there are a few who own productive property and who get higher levels of formal education. Among the poor, some of them have become workers in the mines, logging sites and plantations. But most of the indigenous people belong to the peasantry. They have class brotherhood with the poor settlers and swidden farmers who are driven to till land within their ancestral domain.

It is in the interest of the indigenous peoples and the entire Filipino people that they are aroused, organized and mobilized to rise up and struggle against foreign monopoly capitalism and the local exploiting classes. Only within the framework of the people’s struggle for national and social liberation can the indigenous peoples effectively assert their right to self-determination and benefit from their ancestral domain. Against the reactionary state, the right to self-determination extends to the right to secede or engage in armed revolution.

Only in relation to a nonoppressive state, can the right to self-determination allow local autonomy and integration with the Filipino nation. The rights and interests of the entire Filipino nation and the indigenous people can be harmonized in order to uphold and realize national sovereignty, democracy, social justice, economic development, cultural progress and international solidarity with all peoples.

Thank you. I am ready to receive your questions and answer them.

ON SEMI-FEUDALISM
Initial Questions by KATRIBU
Answers by Jose Maria Sison
December 12, 2020

  1. Sa lumalawak na pagkilos ng sambayanan sa ibat-ibang bansa at malakihang protesta dulot ng kontradiksyon sa ekonomiya at pulitika dala ng lumalalang tunggalian sa kapital at labis na halaga, sa tingin nyo ba ay makakayang makawala ng Pilipinas sa malapyudal na lipunan lalo ngayong kabi-kabila ang malakihang protesta sa ating bansa?

JMS: Sabay ang mabilis na paglubha ng krisis ng malakolonyal at malapyudal ng naghaharing sistema sa Pilipinas at ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista dahil magkakawing ang dalawa at binabalot ng patakarang neoliberal ng mga imperyalistang poder. Kung gayon, malalaking mga protestang masa ang lumilitaw sa Pilipinas at ibayong dagat.

Paborable para sa kilusang rebolusyonaryo ng sambayanang Pilipino at para sa layunin nitong makawala ang Pilipinas sa malapyudal na sistema ang mabilis na paglubha ng krisis ng pandaigdang sistemang kapitalista at malakihang protesta sa pandaigdigang saklaw.

Lumuluba ang krisis ng malapyudal na sistema dahil sa mga panloob na kahinanaan nito, pangunahin ang pagsasamantala ng mga malaking komprador at panginoog maylupa at korupsyon ng mga burukrata kapitalista. Dumagdagdag pa ang pandemiya at mga bagyo at baha bunga na rin ng pagsira ng monopolyo kapitalismo sa likas na kapaligiran.

Mas malaking kagyat na pampalubha sa krisis ng Pilipinas ang malaking pagbawas ng pagluwas ng mga hilaw na sangkap, ang pagbagsak ng foreign exchange na kita ng mga migranteng Pilipino at mabilis na paglaki ng publikong utang mula sa loob at labas ng bansa dahil sa krisis ng labis na produksyon ng monopolyo kapitalismo at dahil din sa pandemya. Bagsak o depressed nagayon ang ekonomiya ng Pilipinas at ng sandaigdigan.

  1. Ano ang epekto ng tunggaliang US at Tsina sa sistemang malapyudal ng Pilipinas? May tyansa ba na maagaw ng Tsina ang pagkontrol dito?

JMS: Parehong monopolyo kapitaista ang US at Tsina. Pareho silang interesado na manatiling malapyudal ang Pilipinas at manatiling pinagmumulan ng murang hilaw na sangkap at patuloy na palengke ng mga yaring produkto mula sa mga industryalisadong bansa. Sa tunggalian ng dalawang imperyalistang poder, nais ng bawat isa sa kanila na angkinin ang Pilipinas bilang malakolonya.

Dahil sa malaki at lumalaki pang ekonomya ng Tsina, matakaw ito sa mga hilaw na sangkap at sisikapin nito na kontrolin ang Pilipinas. Malakas maglabas ng mineral ore at dahil sa korap ang opisyal ng gobyerno hindi man recorded ang iniluluwas para umiwas sa tax. Galing sa Pilipinas pati lupa na ginamit sa paggawa ng pitong military base ng Tsina sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

  1. Paano po ba dapat ang pakikitungo natin sa mga nagsasabi na ang Pilipinas daw ay isang mala-kapitalista na bansa at hindi naman mala-pyudal? Paano po ba mas maipapahayag na ang konkretong kalagayan ng batayang mga sektor ay nakatali pa rin sa kanilang relasyon sa produksyon at higit, sa lupa.

JMS: Dapat lang matiyagang magpaliwanag sa kausap. Kapitalista na ang Pilipinas sa puntong nangingibabaw o dominate na ang sistema ng commodity production at hindi na lantay na pyudal ang kabuuan ng ekonomiya. Pero hindi industriyal na kapitalista ang Pilipinas dahil sa hindi ito yumayari ng mga makina kundi umaangkat ito ng mga makinang kapalit ng mga hilaw na sangkap.

Malapyudal ang sistema at ang naghaharing uri ay malaking komprador na mga punong ahente ng mga imperyalista sa kalakakan at pinansiya. Kasabay nito, may-ari sila ng mga asyenda bilang mga panginoong maylupa. Sa gayon, madalas tawagin silang mga malaking komprador-asendero. Mestiso sila sa papel nila sa ekonomiya, karamihan mestiso rin sila sa balat at pagmumukha (may dugong Kastila o Tsino).

  1. Nareretain lamang po ba ng social democracy or democratic socialism ang mala-pyudal na lipunan at hindi kabuuan na iwinawaksi ang kasalukuyang uri ng ating lipunan?

JMS: Repormista ang mga alagad ng social democracy o democratic socialism. Ayaw nilang iwaksi ang malapyudal na katangian ng lipunan dahil takot silang may marahas na reaksyon ng imperyalismong US at mga malaking komprador-asendero at kung gayon ayaw nilang maalis ang malapyudal na ekonomya. Ebolusyonaryo daw sila at gusto nilang may pagbabago lamang kung payag ang naghaharing uri para raw maiwasan ang marahas na pagbabago.

  1. Ang pagiging mala-pyudal ng mga pamilya ay nakatali sa oryentasyon ng lipunan paano po ba ito mababaka at maiwasto tungo sa pagpapanibagong hubog?

JMS: Ang pagiging malapyudal ng lipunan at pagiging malaking komprador-asendero ng isang pamilya ay nakaugat sa at ibinunga ng modo ng produksyon o baseng ekonomiko. Kasunod lamang sa baseng ekonomiko ang mentalidad at pag-uugaling malapyudal sa isang pamilya o sa superstructure ng lipunan (pulitika at kultura).

Dahil kontrolado ng mga uri at pamilyang malaking komprador at asendro ang ekonomiya, kontrolado din nila ang sistema ng pulitika at kultura. Ang matataas na opisyal ng reaksyonaryong gobyerno ay kasapi at ahente ng mga malaking komprador-asendero. Kasama ng mga among imperyalista, ang uring ito ang nagpapasya sa mga patakaran at pamamaraan ng pamamahala.

  1. Naging mainit ang isyu sa usaping sex work is work paano po ba nakaangkla itong usapin ng kababaihan sa pagiging isang mala-kolonyal at mala-pyudal na oryentasyon ng ating lipunan?

Dapat po ba itong iwaksi nang tuluyan o papaano po ba dapat ang pagtingin natin sa usaping ito?

JMS: Sa malakolonyal at malapyudal na lipunan, maraming babae ang bulnerable sa panlilinlang o tuwirang pagrekluta ng mga sindikatong kriminal dahil sa malawak at matinding kahirapan. Sa palagay ko, karamihan sa mga nalinlinlang at nakakabig sa prostitusyon ay pinapangakuan muna ng mga trabahong di-prostitusyon tulad ng serbidora sa restoran, sales girl, domestic help, etc. Iba naman yong mga kusang maging high class call girls o maging alipin ng droga.

Kriminal na aktibidad ang prostitution kahit na sa malapyudal na lipunan. Pero mga sindakato at mga kapitalista ang mga kriminal, hindi yong mga nilinlang at inaalipin nilang mga babae mula sa mahihirap na pamilya. Dapat may mga programa at kampanya para mabigyan ng kanlungan at karapatdapat na trabaho ang mga prostitute na galing sa mga mahirap na pamilya, pati mga babaeng minamaltrato at inaalipin ng kanilang mga asawa.

  1. Napakalaking impluwensya ng mga trade systems at tariffication models ng Pilipinas sa pagpapanatili ng mala-pyudal na kalagayan ng mga magsasaka sa kanayunan. Sa anong paraan nagiging malaki ang bahaginan na kinalalagyan ng mga neoliberal na polisiya sa kabuuang pagpapanatili sa kapangyarihan sa mga panginoong may lupa at mga mbk sa ating bansa?

JMS: Sa ilalim ng patakarang neoliberal, binibigyan ng estado ang lahat ng pabor ang mga kapitalista at panginoong maylupa para raw mapalaki ang kanilang kita at ang kakayahan nilang lumikha ng empleyo at “magpaunlad” sa ekonomiya. Sa gayon daw, bahala na sa pag-iral ng palengke, kung may bienes na papatak sa masang anakpawis mula sa kamay ng mga propetaryo.

Sa katotohanan, naeembudo ang kayamanang likha ng mga anakpawis sa kamay ng mga mapagsamantalang uri. Bumilis ang paglaki ng desempleyo at paglaganap ng kahirapan. Sa kaso ng pagluluwag sa importasyon ng bigas at iba pang produktong agrikultural, ang nakikinabang ay mga dayuhang monopolyo kapitalista at mga kasabwat nilang malaking komprador sa Pilipinas.

  1. Kung sa kultura at pamumuhay ng mga katutubo, malaki ba ang epekto ng nagdaang dekada sa Pilipinas? Ito ba ay lumuluwag o mas umiigting na parehong pinanghihimasukan ng Impeng US at katagisan nitong Tsina?

JMS: Sa kumpetisyon ng mga imperyalistang korporaspon na kumukuha ng mga hilaw na sangkap sa Pilipinas, laluna sa pagitan ng US at Tsina, lalong nabibiktima ang mga katutubo. Pinanghihimasukan ng mga ito ang kanilang ansestral na kalupaan at pinalalayas sila para mapalawak ng mga minahan, mga trosohan at mga plantasuyn; at para magtayo ng mga dam.

Dahil sa malaki ang Tsina at mabilis pa ang paglaki ng kapitalistang ekonomiya nito, matakaw ito sa mga hilaw na sangkap mula sa Pilipinas. Lalong nagagambala at napipinsala ang kultura at pamumuhay ng mga katutubo. Pinipilit silang umalis sa kanilang mga tahanan at kalupaan at mag-ibang lugar at bumagay sa bagong kapaligiran.

  1. Kailan po ba maipagtatagumpay ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang sariling pagpapasya o self determination kung ang oryentasyon pa rin ng lipunan ay mala-pyudal at higit na inaabuso at ninananakawan ng lupa, kultura, at buhay ang ating mga pambansang minorya?

JMS: Nasa programa ng demokratilong rebolusyon ng bayan ang pagrespeto at pagpapatupad ng mga karapatan ng mga katutubo sa sariling pagpapasya, sa ansestral na kalupaan, sariling pamumuhay at sariling kultura. Dapat magtagumpay ang demokratikong rebolusyon ng bayan at magapi ang malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema para maipatupad nang lubusan ang mga karapatan ng mga katutubo.

  1. Batay sa mga available documents na makukuha sa internet, maagang bahagi ng dekada 80′ ng unang i introduce ng ilang mga indibidwal ang pagsusuring hindi na mala-pyudal ang pilipinas. Ang isa sa batayan nila dito ay ang “urbanisasyon” o pagdami ng populasyon sa mga syudad. Halimbawang totoo man hanggang sa ngayon ang “urbanisasyon” (obviously kumakapal ang populasyon ng mga syudad), ano ang kaugnayan nito sa nagpapatuloy na pag-iral ng mala-pyudal na kaayusan?

JMS: Para matiyak na malapyudal ang katangian ng kasalukuyang ekonomya ng Pilipinas, suriing mabuti ang katangian ng mga pwersa ng production at relasyon sa produksyon. Hindi pa ito nakakayari ng mga makinang kagamitan sa produksyon kundi inaangkat ang mga makina mula sa labas ng bansa, kapalit ng mga iniluluwas na hilaw ng sangkap.

Ang prinsipal na kagamitan ng produksyon sa Pilipinas ay lupang agrikultural at ang pinakamaraming anakpawis ay mga magsasasaka, hindi mga industryal na manggagawa. Hindi bababa sa 60 por syento ang mga magsasaka at mga manggagawa ay hindi lalampas sa 30 por syento.

Ang naghararing uri ay mga malaking komprador na burges na may mga asyenda. Mga ahente lamang sila ng dayuhang monopolyo kapitalismo. Hindi industryal na burgesya ang uring naghahari sa Pilipinas. Hindi na rin ang panginoong maylupa ang naghaharing uri tulad ng na nakaraang lantay na pyudalismo.###

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.