Sa Selebrasyon ng Tagumpay sa Pagbabago
Thanksgiving Party sa Infinity Tower Suites, June 30, 2016
Ni Prof. Jose Maria Sison
Guro at Kaibigan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte
Mahal na mga kababayan at mga kaibigan,
Taos puso akong bumabati at nakikiisa sa inyo. Kasama ninyo ako sa pagbubunyi ng Tagumpay ng Pagbabago sa paghalal kay Rodrigo Roa Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas at sa pagsumpa niya ngayong araw sa kanyang katungkulan.
Lagi kong ipinagmamalaki na naging estudyante ko si Presidente Duterte sa Isipang Pampulitika sa Lyceum of the Philippines. Lubos akong natutuwa sa kanyang pagpanalo sa halalan dahil sa tulong ninyo at sa kanyang pagsampa sa pinakamataas na posisyon sa Gobyerno ng Pilipinas.
Noon pang Hunyo 15 napagkasunduan ng National Democratic Front of the Philippines at Government of the Philippines na ipagpatuloy sa panahon ni Presidente Duterte ang usapang pangkapayapaan at isagawa ito hanggang humantong sa isang makatarungan at matibay na kapayapaan sa ating bayan.
Haharapin ng dalawang panig ang mga mayor na problema sa larangang panlipunan, pang-ekonomya at pampulitika na naging dahilan ng gera sibil sa ating bayan. Gagawa ng mga kasunduan para sa pagsasakatuparan ng mga pambansa at demokratikong karapatan at kapakanan ng sambayanang Pilipino. Sa gayon, magkakaroon ng bagong Pilipinas na independyente, demokratiko, maunlad, masagana at mapayapa.
Nais nating lahat ang bayang may ganap na pambansang kasarinlan, mga karapatang tao at mga karapatang demokratiko, hustisya sosyal, pag-unlad sa ekonomya sa pamamagitan ng pambansang industryalisasyon at tunay na reporma sa lupa, malawak na libreng edukasyon, makabayan at progresibong kultura at internasyonal na pakikipagkaibigan, pakikipagtulungan at kapayapaan.
Mabuhay si Presidente Duterte!
Mabuhay kayong lahat!
Mabuhay ang sambayanang Pil