WritingsMessagesPagbati ng pakikiisa sa Kabataang Makabayansa ika-56 anibersaryo nito...

Pagbati ng pakikiisa sa Kabataang Makabayan
sa ika-56 anibersaryo nito sa araw ni Bonifacio

-

Ni Jose Maria Sison
Tagapangulong Tagapagtatag, Kabataang Makabayan
Nobyembre 30, 2020

Sa ika-56 anibersaryo ng ating organisasyon, nagpapaabot ako ng maalab na rebolusynaryong pagbati at pakikiisa. Pulang saludo ako sa inyong katatagan at militansya sa pagpapatuloy ng rebolusyong Pilipino sa landas ng pambansang pagpapalaya at demokrasya hanggang abutin ang sosyalismo.

Taglay ninyo ang dakilang rebolusyonaryong tradisyon na inumpisahan ni Andres Bonifacio at ipinagpatuloy natin magmula Nobyembre 30, 1964. Malaki at mapagpasya ang pamumuno at mga ambag ng KM sa paglakas ng kilusang masa ng kabataan at sambayanang Pilipino at pagtatayo at paglakas ng iba’t ibang rebolusyonaryong pwersa sa hanay ng masang anakpawis sa buong kapuluan.

Pinupuri ko ang lahat ng pagsisikap, sakripisyo at mga tagumpay ng KM bilang ligang komunista ng kabataan at bilang alyado sa balangkas ng Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas. Wastong nagpatuloy ang KM sa lihim na pagkilos magmula ng pinatawan ni Marcos ang bayan ng pasistang dikatdura noong 1972. Kailangan ang mga pwersang lihim ng sambayanang Pilipino dahil sa palagiang banta ng terorismo ng estado sa takbo ng pang-aapi at pagsasamantala at palagiang krisis at pagbulok ng malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema.

Nakaharap tayo muli sa isang halimaw na kaaway na nagpapataw ng pasistang diktadura sa ating bayan. Ito ang rehimeng Duterte na sukdulan ang kataksilan, brutalidad, pandarambong at panggagantso. Dapat paigtingin ang lahat ng anyo ng pakikibaka para labanan at wakasan ang rehimeng ito. Paghusayan din ang pagtanggap sa kilusang lihim at sa hanay ng mga rebolusyonaryong nasa pinakamataas na anyo ng pakikibaka ang mga kabataang pinagbabantaan ng teroristang estado ng arbitrayong aresto at pagkulong, pagtortyur at pamamaslang.

Natutuwa ako na muling inilulunsad ninyo ang website ng KM kasabay ang paglabas ng bagong isyu ng Kalayaan. Mahalagang mga kasangkapan ito sa pagsisiswalat ng katotohanan, pagpapataas ng kamalayang rebolusyonaryo at pagpapaalab ng damdaming lumaban sa kaaway at tuparin ang mga tungkulin. Karapat-dapat na gamitin natin ang lahat ng paraan upang abutin natin ang malawak na masa ng kabataan at sambayanang Pilipino. Laging hangad nating ibayong mapatibay ang rebolusyonaryong kapasiyahan at mapataas ang antas ng rebolusyonaryong organisasyon at pagkilos ng masang Pilipino.

Mabuhay ang Kabataang Makabayan!
Wakasan ang halimaw na rehimeng Duterte!
Isulong ang bagong pambansa-demokratikong rebolusyon!
Mabuhay ang kabataang Piliopino!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you