Jose Maria Sison, June 1981
[su_table]
The forest is still enchanted | Nakakabighani pa ang gubat |
The fickle-minded spirits and fairies Have fled the old trees and groves, Dark caves and mounds in the shadows, Mossy rocks and whispering streams. The gnarled balete and the blackbird Have lost their intriguing power. The uncertainties of the past ages No longer lurk to exact awe and fear. In the forest throbs discreetly A certainty above the certainties Of chopping wood, hunting boar and deer, Gathering fruits, honey and even orchids. But the forest is still enchanted. There is a new hymn in the wind; There is a new magic in the dark green, So the peasant folks say to friends. A single fighting spirit has taken over To lure in and astonish the intruders. |
Lumayas na ang mga sumpunging anito at diwata Mula sa matatandang puno at sukal, Madidilim na yungib at puntod sa mga lilim, Malulumot na bato at nagsisibulong na sapa. Nawalan na ng katakatakang kapangyarihan Ang bukubukong mga balete at mga uwak. Ang kawalang-tiyak ng sinaunang mga panahon Ay hindi na makapanggulat at makapanakot. Maingat na pumipintig sa gubat Ang katiyakan sa ibabaw ng mga katiyakan Ng pagputol ng kahoy, pangangaso Pag-ani ng mga prutas, pulot-gata at orkidiya. Subalit nakakabighani pa rin ang gubat Bagong himig ang nasa hangin Bagong hiwaga ang nasa malalim na luntian, Sabi ng mga magsasaka sa kanilang mga kaibigan. Nananaig ang iisang mapanlabang diwa Para bitagin at gulatin ang mga nanghihimasok. |
[/su_table]