Home Writings interviews ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks, 2016 National Elections and ISIS (PART 3/3)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks, 2016 National Elections and ISIS (PART 3/3)

0
ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Peace Talks, 2016 National Elections and ISIS (PART 3/3)

August 7, 2015

Panayam ng Kodao Productions sa pamamagitan ni Prof. Sarah Raymundo ng CONTEND-UP kay Prof. Jose Maria Sison, Tagapagnulo ng International League of People’s Struggle (ILPS) hinggil sa peace talks, presidential elections at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

On International Solidarity

1. Ano po ba ang ibig sabihin ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS?

JMS: Ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ay pangkat ng mga kontrarebolusyonaryo na inarmasan at sinanay ng CIA at ibang Western intelligence agencies para umastang mga Islamic fundamentalists at malulupit na jihadists para guluhin, panghinain o ibagsak ang mga estado sa Middle East na tutol sa mga patakaran at kilos ng US, Zionistang Israel at NATO sa rehiyon.

2. Bakit po sila gumagawa ng matitinding karahasan sa mga mamamayan ng Iraq, Syria at sa border malapit sa Turkey? Ano po ba ang gusto nilang mangyari sa pagsakop nila sa ilang bayan sa Iraq at Syria?

JMS: Ang matitinding karahasan sa mga mamamayan ng Iraq, Syria at sa border malapit sa Turkey ay may tangkang hindi lamang panghinain at ibagsak ang mga estadong hindi masunurin sa US kundi bigyang daan at dahilan ang US na salakayin at bombahin ang mga naturang estado at magtayo ng isang puppet state.

3. Parang taong 2013 ay nagsimula ng maging matunog ang pangalang ISIS sa daigdig at ngayon ay mas lumaki na ang saklaw ng kanilang kapangyarihan sa Iraq at Syria, at naghahasik na rin ng takot sa mga katabi pang bansa. Paano po kaya mapapatigil ang mga karahasang ginagawa nila — kasama na ang pananakop ng mga bayan, pagkidnap, pagtorture, pagpugot ng ulo, pangre-rape at pagmasaker, sa maraming inosenteng sibilyan sa Iraq, Syria at Turkey?

JMS: Parang lumalaki at lumalawak ang ISIS dahil sa tuluy-tuloy na pagsuplay ng armas, pagkain, mga sasakyan at iba pa sa kanila ng US, UK, Saudi Arabia, Turkey at iba pang sponsor nila. Pero sa totoo nanghina na ang ISIS sa lugar ng mga Sunni sa Iraq dahil sa mga kabangisan nila. Dahil sa tulong ng US at Turkey nakakapanggulo sila sa Syria. Pero mabisang linalabanan at tinatalo sila ng mga Kurdo sa Rojava. Ang tanging paraan para patigilin ang karahasan ng ISIS ay gapiin sila sa larangan ng digmang bayan.

4. Ano po ang mensahe ng ILPS sa huling insidente na kinasangkutan ng isang IS suicide bomber sa masaker sa Suruc, na pumatay sa 30 kabataang aktibista at mahigit 100 ang nasugatan?

JMS: Kinondena ng ILPS ang masaker ng 31 kabataang aktibista at pagsugat sa higit na isandaang kabataan sa pamamagitan ng suicide bomber ng ISIS na sadyang pinalusot o pinapasok ng mga militar ng Turkey na may kontrol sa loob at paligid ng bayan ng Suruc. Nanawagan ang ILPS na gumawa ang mga member-organisation at mga alyado nito ng mga pahayag at kilos protesta para ihantad at kondenahin ang sabwatan ng Turkey at ISIS.