WritingsMessagesMensahe ng pakikiisa sa paglunsad ng Panday Sining Europa...

Mensahe ng pakikiisa sa paglunsad ng Panday Sining Europa at sa maraton ng kultural na protesta laban tiraniyang Duterte

-

Ni Jose Maria Sison
NDFP Chief Political Consultant
Chairperspn Emeritus
International League of Peoples’ Struggle
Hunyo 12, 2020

Mahal na mga kapwa aktibista,

Malugod akong nagpapaabot ng pagbati at pakikiisa sa paglunsad ng Panday Sining Europa bilang kultural na bisig ng Anakbayan Europe kasabay ng pagtatanghal ninyo ng 12-oras na maraton ng kultural na protesta laban sa tiraniyang Duterte.

Sumasaludo at humahanga ako sa inyo sa matagumpay na pagtitipon ninyo ng mga kabataang talino sa kultural para buuin ang Panday Sining Europa at para itanghal ang isang pistang kultural ng mga awit, sayaw, tugtog, tula, guhit at iba pa.

Malaki ang aking tiwala sa inyo na sa mga darating na linggo at buwan makakapagbuo kayo ng mga sangay sa ibat ibang bansa ng Europa at isunod ninyo ang pagbubuo ng mga sangay sa antas ng siyudad kung saanmang mayroon kayong sangay sa antas ng bansa.

Natitiyak kong madali kayong makapag-organisa ng mga sangay dahil sa mahilig ang mga kabataang Pilipino sa mga kultural na aktibidad. At kailangan na lamang ay lapitan sila, himukin sila, organisahin, sila at pakilusin sila.

Sa pag-organisa ng mga kabataang may hilig sa anumang gawaing kultural gayundinsa pagpapatibay ng naoorganisa sa bawat panahon, kailangang maliwanag sa kanila kung ano ang matayog na dahilan, mga prinsipyo, layunin at pamamaraan ng organisasyon at pagkilos.

Kailangang isinasagawa at pinagsasama ang mga pagtitipon ng pag-aaral tungkol sa kalagayan ng mga kabataang Pilpino sa Pilipinas at sa labas ng bansa, mga problema at solusyon sa konteksto ng demokratikong reboluysyon ng bayan; mga workshop tungkol ng pagsasanay sa sining at sa gawaing kultural; at mga pagtatanghal upang kagyat na maipakita ang pagsasama ng rebolusyonaryong kahulugan at aliw sa sining.

Magiging matatag at mabisa at madaling lumakas ang Panday Sinig sa Europa kung may maliwanag na linya sa pagsulong. Ito ang paglahok sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansa at panlipunang paglaya. Dapat ninyong ipalaganap ang mga rebolusyonaryong diwa, damdamin at hangarin ng bayan sa anyo ng sining at kultural na gawain.

Sa gayon, makakatulong na rin kayo sa Anakbayan-Europe, sa iba pang makabayang organisasyon at sa kabuuan ng kilusang pambansa-demokratiko sa loob at labas ng bansa. Malaki ang maiaambag ninyo sa pakikibabaka ng sambayanang Pilpino.

Mapagsiyang sandata ng rebolusyon ang sining at kultural na gawain. Sa mapagpasiyang gawaing ito, lalong naging mas matalas at maging mabisa ang rebolusyon. Kapag maganda at makabuluhan ang awit, mabilis na kumalat ito sa masa at nakakapagpataas ito ng pagkakaisa at lakas-loob para lumaban at magtagumpay.

Mabuhay ang Panday Sining Europa!
Mabuhay ang Anakbayan Europe!
Mabuhay ang kabataang Pilipino!
Patalsikin ang tiraniyang Duterte!
Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Latest news

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

Pamilya at mga kaibigan nagbigay-pugay sa huling paalam kay CPP Founder Joma Sison | TFC News

EXCLUSIVE: Na-cremate na ang labi ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria "Joma" Sison. Bago ito, binigyan siya ng pagkilala ng mga mahal sa buhay at mahal sa buhay. Nagpapatrol, Jofelle Tesorio. #TFCNews

Ka Joma: A hero of the Filipino people is cremated in an emotion-filled but revolutionary farewell ceremony

The two-hour farewell ceremony held at the auditorium of the Crematorium Daelwijck in this city which began at 1030am (CET) was packed with family members, comrades, representatives of political parties and organizations, progressive alliances and groups, his former staff members, friends and admirers, and was filled with songs and poetry.

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022

LIVE: ‘Tanglaw at gabay, hanggang tagumpay’

Progressive groups and individuals gather at the University of the Philippines Diliman, Quezon City to pay their respects to Prof. Jose Maria 'Joma' Sison, who recently passed last December 16, 2022.

Must read

Resolution of the Second Congress of the Communist Party of the Philippines, November 7, 2016

Ka Joma is a Marxist-Leninist-Maoist extraordinaire and indefatigable revolutionary fighter

JUST IN | Mga larawan sa huling pamamaalam Kay CPP-NPA founder Jose Maria ‘Joma’ Sison

Natapos na ang seremonya sa huling pamamaalam kay Joma Sison pasado alas dose ng tanghali, December 27

You might also likeRELATED
Recommended to you